Ito ang mga Artista na Marunong Magtipid at Simple Lang ang Buhay sa Likod ng Camera!

Makinang man ang buhay ng mga artista sa mundo ng showbiz ay hindi ito nangangahulugan na hindi na sila maaring mamuhay ng normal kagaya ng ibang tao.




Narito ang ilan sa mga kilala nating artist na ipinakitang namumuhay sila ng simple sa likod ng camera.

1. Kitchie Nadal

Hindi ikinahihiya ni Kitchie Nadal, dating vocalist ng bandang Mojofly ang kanyang wedding dress na nagkakahalaga lamang ng 799 pesos. Masaya niya ring ibinahagi sa publiko sa pamamagitan ng report sa 24 Oras ang kanyang simpleng kasal noong February 26,2015 na autumn-themed. Ang kasal na ito ng singer-songwriter ay dinaluhan ng 15 katao na panay kamag-anak at malalapit na kaibigan.



2. John Llyod and Ellen Adarna

Matagal ng walang naririnig na balita tungkol sa dalawang sikat na artistang sina John Lloyd at Ellen Adarna ngunit may ilang concerned netizen’s ang nagbabahagi ng kanilang mga larawan sa social media para sa ilang update patungkol sa kanila. Makikita sa ilang larawang ito na magkasamang namimili ng grocery ang dalawa sa isang supermarket. Samantalang noong nakaraang taon naman October 9 ay nakuhaan ng litrato si John Llyod na nakasakay sa jeep byaheng UP Ikot.

3. Ryan Agoncillo

(Photo source: gmanetwork/celebritylife)

Bilang padre de pamilya ay sinisiguro ni Ryan na maayos ang tirahan ng kanyang pamilya at kapag may mga kailangang ayusin dito ay siya na mismo ang gumagawa at nagaayos sa tulong ng kanyang ama na naging bonding moment na din nila.

4. Maine Mendoza

Ang phenomenal actress na si Maine Mendoza ay nakilala sa showbiz dahil sa pagiging totoo nito sa sarili at walang arte kaya naman ikinatuwa ng kanyang mga fans na hindi siya nagbago sa kabila ng biglaang pagsikat. Ibinabahagi niya din sa publiko ang mga simpleng bagay na ginagawa niya at isa na dito ang pagkain ng paborito niyang candy na “Haw-Haw” at “Mik-Mik”.



5. Tuesday Vargas

Si Tuesday Vargas naman ay nakaugalian ng dumayo sa UP Diliman para kumain sa Rodic’s restaurant. Maliban dito ay makikita ding si Tuesday mismo ang namimili ng mga bulaklak sa Dangwa at iba pang materyales na kailangan sa mga inaayos niyang events kagaya ng kasal at birthday.

6. Kim domingo

(Photo source: gmanetwork/celebritylife)

Ang aktres na si Kim Domingo ay hinahangaan ng karamihan dahil sa taglay nitong ganda at sexy na katawan. Sa kabila nito ay nanatiling simple ang dalaga at nakitang kumakain ng sisig na nagkakamay at hindi gumagamit ng kutsara at tinidor.