Magkasintahang Nakapagtapos ng Pag-aaral Habang Working Students, Naging Viral Sa Social Media Dahil sa Kanilang Success Story!

Bilang mga teenagers marami tayong mga bagay na gustong gawin at pangarap sa buhay kagaya na lamang ng pagtatapos ng pag-aaral, pagkakaroon ng kasintahan, makaranas ng pagtatrabaho at kung anu-ano pa. Madalas ang mga pangarap na ito ay panandalian lamang at hindi natin kayang panindigan. Nariyan ang tinatamad kana sa pag-aaral o di kaya naman ay hindi mo naman pala kayang magtagal sa isang relasyon.







Ang mga bagay na ito ay normal lang sa pagiging teenager dahil sa mapusok na katangian at hindi pagiging matured ng mga ito lalo na pagdating sa pagdedesisyon. Ngunit may magkasintahan na kamakailan lang ay naging viral sa social media dahil magkasama nilang inabot ang kanilang mga pangarap.

(Phot Source: facebook.com/rsemriemlbnan)




Rose Marie ang pangalan ng babaeng nagbahagi ng kanyang larawan sa Facebook kasama ng kanyang kasintahan. Ayon sa caption ng dalaga, maituturing silang “relationship goals” dahil nakayanan nilang pangalagaan ang kanilang relasyon sa kabila ng pagiging abala sa pag-aaral at pagtatrabaho.

(Phot Source: facebook.com/rsemriemlbnan)



Magkasama si Rose Marie at ang kanyang kasintahan sa mga trabahong pinasukan nila at ilan sa kanilang mga naging trabaho ay pagiging crew sa isang fastfood chain at pagiging barista. Gustuhin man nilang magkasama sa lahat ng bagay ay hindi ito naging posible dahil kinailangang maghanap ng ibang trabaho ni Rose Marie.

(Phot Source: facebook.com/rsemriemlbnan)

Sa kabila nito ay mas lalong naging matatag ang kanilang relasyon at walang bumitaw sa kanilang pangarap na balang araw ay makakapagtapos silang dalawa ng pag-aaral. Nagbunga nga ang sipag at pagtitiyaga ng dalawa. Noong nakaraang taon ay nakapagtapos ng kolehiyo ang lalaki at nitong taon naman ay si Rose Marie ang umakyat sa entablado para sa kanyang diploma.

(Phot Source: facebook.com/rsemriemlbnan)
(Phot Source: facebook.com/rsemriemlbnan)

(Phot Source: facebook.com/rsemriemlbnan)





Maraming netizens ang naka-relate sa magkasintahan at hanga sila sa determinasyon ng dalawa para mapanatiling matibay ang kanilang relasyon kasabay sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Sang-ayon din ang karamihan sa mga netizens na hindi madaling mag-aral lalo na at ikaw din mismo ang nagpapa-aral sa sarili mo. Dagdag pa dito ang responsibilidad na kailangan mong gampanan para mapanatiling matibay ang inyong relasyon kaya naman saludo ang mga netizens kay Rose Marie at sa kanyang kasintahan.