Asawa ni Beauty Gonzalez, Ibinahagi na Madalas na Napapagkamalan Bilang Kanyang Ama

Ang pag-iibigan ng dalawang tao ay walang pinipiling antas sa buhay, hugis ng katawan, pagkatao o maging agwat ng edad. Madalas nga nating marinig ang mga katagang “Age doesn’t matter.” pagdating sa usaping pag-ibig kaya naman hindi na bago sa ating lipunan ang makakita ng magkasintahan na malaki ang agwat ng edad sa isa’t isa at maging mga kilalang tao sa ating lipunan ay nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Isa na rito ang kilalang aktres na si Beauty Gonzales.



Matatandaang noong taong 2015 ay napabalita ang biglaang pag-alis ni Beauty sa kalagitnaan ng set ng teleseryeng “Ningning” dahil sa hindi ipinaliwanag na dahilan. Hindi nagtagal ay isiniwalat niya sa publiko ang pagbubuntis at pagpapakasal sa non-showbiz boyfriend na si Norman Crisologo,isang art curator.

“Maraming na-shock. Bakit daw masyadong malaki yung agwat namin. ‘He’s too old for me.”,pahayag ng aktres sa isang interview.

Hindi maiiwasang marami ang magulat at magkomento sa naging desisyon ng aktres lalo pa at kilala siya bilang isa sa pinakamagandang mukha at may sexy na pangangatawan sa mundo ng showbiz. Gayun pa man ay hindi nagpadala sa mga negatibong komento si Beauty at napanatili niyang matibay ang relasyon nilang dalawa ng kanyang asawa.



Dahil sa agwat na 15 years sa kanilang edad, inamin ni Beauty na madalas mapagkamalan ng publiko ang asawang si Norman bilang kanyang tatay sa tuwing kakain sila sa labas o di kaya naman ay mamasyal. Nakasanayan na rin nila ang bagay na ito at natatawa nalang sa tuwing may taong nagkakamali sa pag-aakalang mag-ama sila at hindi mag-asawa.



“One time we went to this camera shop in Makati. And then we were looking at this camera, and then the salesman was trying to sell it to us, so he was giving us a demo. So he was saying, ‘Oh ganito ho ma’am, ganito, ganyan. Eto. Teka, picture-an natin si daddy. Oh, daddy! Daddy! Smile, daddy!’ They were looking at me, so smile naman ako, syempre wala akong magawa. But, you know, we just had a good laugh.”, nakangiting kwento ng aktres sa kanyang interview.



Ayon naman sa asawa nitong si Norman, malaki ang naitulong ng age gap nila ng asawang si Beauty dahil hindi nagiging boring ang kanilang pagsasama at lagi silang may natutunang bago sa isa’t isa.

Tunay ngang walang makakahadlang sa dalawang taong nagmamahalan, ito man ay layo ng agwat ng edad o di kaya naman ay panghuhusga ng mga tao patungkol sa kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *