Dahil sa Selos, Hindi Kinausap ni Mister ang Kanyang Misis sa Loob Ng 20 Taon! Ito ang Dahilan Kung Bakit!

Ang maayos na komunikasyon ay isa sa pinakamahalagang susi upang mapanatiling maayos at matatag ang isang relasyon lalong-lalo na sa mag-asawa. Kaya naman kapag ang bagay na ito ay unti-unting nawawala, nagkakaroon na din ng lamat ang isang pagsasama.Ngunit kakaiba ang mag-asawang ito sa Japan dahil nakayanan nilang panatilihin ang kanilang relasyon sa kabila na hindi sila nag-uusap ng maayos sa loob ng 20 taon!




Ang naturang mag-asawa ay nakilala bilang sina Otou Yumi at Katayama na ikinasal mahigit tatlong dekada na ang nakakalipas. Sa kanilang pagsasama ay nagkaroon sila ng tatlong anak at aakalain mong parang walang problema ang kanilang pamilya.

(Courtesy: www.gtgoodtimes.com)




Ngunit ayon sa kanilang mga anak, wala silang matandaang pagkakataon na nag-usap ng maayos ang kanilang nga magulang. Ayon sa bunsong anak na si Yoshiki, lagi niyang nakikita ang kanyang ina na siyang unang nakikipag-usap sa kanyang ama ngunit sobrang tipid nito sa pagsagot at hanggang doon nalang ang kanilang nagiging usapan.

(Courtesy: www.gtgoodtimes.com)

Nagtataka di umano si Yoshiki dahil maayos naman makipag-usap ang kanilang ama sa kanya at sa iba pang kapatid kaya naman minabuti na niyang humingi ng tulong sa isang programa sa telebisyon.



(Courtesy: www.gtgoodtimes.com)

Sa kabutihang palad ay tinanggap ng producer ng programa ang kahilingn ni Yoshiki at pumayag ang mag-asawa sa ginawang plano ng TV program na magkita sila sa isang parke para mag-usap. Noong una ay naasiwa ang dalawa hanggang sa mag-umpisa ng magsalita si Otou Yumi. Ang pangyayaring ito ay nagpa-iyak sa mga anak dahil ito ang unang pagkakataon na makita nilang ang kanilang ama ang siyang unang kumausap sa kanilang ina.

(Courtesy: www.gtgoodtimes.com)
(Courtesy: www.gtgoodtimes.com)
(Courtesy: www.gtgoodtimes.com)

Ayon kay Otou Yumi, selos ang naging dahilan kung bakit hindi niya kinakausap ang asawa na si Katayama. Ikinagulat ito ng asawang babae dahil alam niyang wala siyang ginagawang ikakaselos ng asawang lalaki. Ito pala ay sa kadahilanang naging abala ng husto si Katayama sa pagiging isang ina hanggang sa naramdaman ni Otou Yumi na wala na sa kanya ang atensiyon ng asawa.



Gayon pa man ay lubos na nagpapasalamat si Otou Yumi sa kanyang asawa dahil napalaki niya ng maayos ang tatlo nilang anak at nangako siya na aayusin niya ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Humingi naman ng tawad si Katayama sa kanyang nagawa at dahil dito ay masayang-masaya ang kanilang mga anak.