Kilalanin ang Poging Foreigner Boyfriend ng Dating Child Star na si Serena Dalrymple!

Matagal ng wala si Serena Dalrymple sa mundo ng showbiz ngunit hindi parin humihinto ang kanyang mga taga-hanga sa pagsubaybay ng kaniyang buhay. Salamat nalang sa social media at nagiging posible ang bagay na ito kahit hindi na nakikita ang dalaga sa mga balita sa telebisyon. Paano nga ba nag-umpisang makilala ang isang simpleng bata na si Serena Dalrymple?




Nagsimula siyang sumikat noong taong 1998 dahil sa kanyang linya sa Jollibee commercial kung saan sinasabi niya ang mga katagang “Isa pa, isa pang Chicken Joy”. Dahil sa pagiging bibo at hindi mahiyain ay napansin si Serena ng isang TV producer at kinuha siya upang gumanap bilang isang bata para sa palabas na “Haba-baba-doo Puti-puti poo” na naging block-buster hit.

Simula noon ay sunod-sunod na ang mga oportunidad na nagbukas para kay Serena at dumami ang kanyang mga proyekto sa showbiz. Ngunit sa kabila ng kasikatan ay nag-desisyon siya na unahin ang kanyang pag-aaral. Noong taong 2014 nga ay napabalitang tinalikuran na ni Serena ang pag-aartista at pinagtuunan ng pansin ang pag-aaral na para sa kanya ay pinakamahalaga sa lahat.



Nagtapos siya ng kursong Export Management sa De La Salle-College of Saint Benilde at maliban dito ay kumuha din siya ng Master’s Degree sa Hult’s International Business School sa London. Simula ng umalis ng bansa si Serena ay madalang ng makarinig ng balita patungkol sa kanya ang kanyang mga fans at umaasa nalang sila sa mga update ng dalaga sa kanyang Instagram account.




Ngunit noong nakaraang tao ay nagulat ang marami ng muling lumabas sa balita sa telebisyon at internet ang pangalan ng dating child star. Ayon sa report ay naging maayos ang buhay ng dalaga sa ibang bansa at sa kasalukuyan ay nagtatrabaho ito bilang isang manager sa Center of Excellence sa Viacom New York.





Maliban dito, maraming netizen’s ang kinilig ng ibahagi ni Serena ang mga sweet moment’s nila ng binata na nagmula sa ibang bansa. Ang ilan naman ay hindi mapigilang purihin ang lalaki sa taglay nitong kagwapuhan ngunit mayroon ding hindi maiwasan na magkomento ng negatibo sa relasyon ng dalawa. Gayun pa man, masaya ang mga fans ni Serena dahil natupad nito ang pangarap kanyang pangarap at may bonus pang prince charming.

Ikaw, ano ang masasabi mo sa kasalukuyang binata ni Serena Dalrymple?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *