Proud na Ibinahagi na Hindi Nagsesepilyo ang Mag-asawang Ito at Puro Prutas Lamang ang Kinakain sa Loob ng 2 Taon! Ito ang Kanilang Dahilan Kung Bakit!

Ang pagiging malinis sa ating katawan ay kinakailangan para mapanatili tayong malusog at maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo. Isa na dito ang regular na pagsisipilyo ng ngipin upang matanggal ang mga kumapit na dumi sa ngipin mula sa ating mga kinain. Ngunit kamakailan lang ay may mag-asawang naging viral sa internet dahil sa pag-amin na hindi sila nagsisipilyo sa loob ng mahigit dalawang taon!


Ang naturang mag-asawang ito ay nakilala bilang sina Tina Stoklosa 39 taong gulang at Simon Beun na 26 taong gulang. Nagtatrabaho si Tina bilang isang interior architect sa Warsaw, Poland at siya ang unang sumubok ng tinatawag na fruitarian diet noong 2013 bago pa man niya nakilala si Simon.

(Courtersy: www.instagram.com/fit_shortie_eats)



Nagumpisa di umano ang desisyong ito ng mapansin ni Tina na sobrang laki na ng kanyang katawan dahil sa hindi tamang pagkain. Nababahala din siya sa kanyang kalusugan kaya sinubukan niyang maghanap ng natural na paraan ng pagpapapayat hanggang makita niya ang testimonya ng ibang tao na sumubok ng fruitarian diet. Minabuti na rin nilang manirahan sa Indonesia kung saan sagana ang mga sariwang prutas. At dahil panay prutas lang ang kinakain ng dalawa pinaniniwalaang ang mga fiber na matatagpuan sa mga ito ang siyang natural na naglilinis ng mga dumi sa bibig partikular na sa ngipin.


(Courtersy: www.instagram.com/fit_shortie_eats)
(Courtersy: www.instagram.com/fit_shortie_eats)

“When you eat whole fruit the fiber in the fruit cleans out you teeth. I don’t brush my teeth either”, pagpapliwanag ni Tina.

(Courtersy: www.instagram.com/fit_shortie_eats)

Nagpasuri din sa isang dentista ang mag-asawa at napag-alamang maayos naman ang lagay ng kanilang ngipin. Maliban sa ganitong benepisyo ay natutuwa din ang mag-asawa sa kanilang napiling diyeta dahil hindi na nila kailangan pang magluto para makakain. Mamimitas lang o mamimili ng mga prutas ay sapat na para makakain sila.



(Courtersy: www.instagram.com/fit_shortie_eats)

Pinili din ng mag-asawa ang ganitong uri ng diet dahil kahit paminsan-minsan lang sila mag-ehersisyo ay napapanatili nilang malusog at maganda ang hubog ng kanilang pangangatawan.

“The benefits are weight loss, you can eat an unlimited amount of fruit every day, increased sleep quality, crazy amounts of energy. Feeling more connected to nature, to yourself and others. Feeling like you are getting younger each day.” pahayag ni Tina sa isang interview.

(Courtersy: www.instagram.com/fit_shortie_eats)

Marami ang namangha sa ginawang ito ng mag-asawa at ang ilan sa kanila ay gusto na ding sumubok ng tinatawag na fruitarian diet. Ikaw, kakayanin mo ba ang ganitong klase ng padidiyeta?