‘Tay, may Abogado kana!”, Ito ang Nakakaiyak na Mensahe ng Isang Netizen sa Isang Taho Vendor sa UP na Tinuring na Niyang Parang Tatay!

Anong sarap sa pakiramdam na marinig ang mga katagang “Tay may abogado kana!”. Ganito ang naramdaman ng isang taho vendor ng bisitahin siya muli ng isang estudyante na ngayon ay isa ng abogado.

Nakilala bilang si Alex Castro ang naturang estudyante at ayon sa kanyang kwento sa Facebook account, napakalaking tulong ng taho vendor sa kanyang pag-aaral habang siya ay nasa kolehiyo. Hindi man totoong ama ay naramdaman ni Alex ang pag-aalaga ng isang magulang mula sa taho vendor na tinawag niyang “Tatay Dong”.



(Courtesy: www.facebook.com/anaalexandracastro)

First year college noon si Alex sa UP Diliman nang makilala niya si Tatay Dong. Nasa labas kasi ng building ni Alex nakapwesto ang taho vendor kaya naman madalas silang magkita at mag-usap tungkol sa kani-kaniyang buhay. Napag-alaman ni Tatay Dong na laging pumapasok na walang laman ang tiyan ni Alex dahil hindi siya nakakapag-almusal kaya naman kinaumagahan ay inabutan niya ito ng isang mainit na taho bago ito pumasok sa klase. Ikinagulat ito ng dalaga at hindi sana niya ito tatanggapin kaso nagpumilit ang taho vendor at simula noon araw-araw na siyang may libreng taho para sa almusal.Ayon kay Alex hindi tumigil si Tatay Dong sa pagbigay sa kanya ng pagkain umulan man o umaraw hanggang siya ay makapagtapos ng kolehiyo!

(Courtesy: www.facebook.com/anaalexandracastro)



Ang kabutihang loob ng taho vendor ay mas lalo pang naipamalas ng isang araw ay bigyan niya ng jaket si Alex dahil nakita niya itong pumasok sa paaralan na ginaw na ginaw. December 2009 noon at nagulat si Alex dahil kasama ng taho na ibinigay ni Tatay Dong sa kanya ay ang isang supot. Nang buksan niya ito sa loob ng paaralan ay nakita niyang ito ang jaket na suot ng taho vendor kahapon. Nang matapos ang klase ay ibinalik ni Alex ang naturang jaket ngunit hindi ito tinanggap ni Tatay Dong at sinabing “Nilaban ko na ‘yan, ‘Nak. Iyo na ‘yan,”.

(Courtesy: www.facebook.com/anaalexandracastro)



Mangiyak-ngiyak noon sa saya si Alex dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng isang taho vendor kaya naman sinikap niyang mabigyan ito ng bagong jaket at ng dumating ang pagkakataon na iyon ay proud na proud si Tatay Dong. Ipinagmamalaki niya sa kanyang mga kaibigan na bigay ng kanyang anak ang bago niyang jacket.

(Courtesy: www.google.com)

Nakapagtapos man ng pag-aaral si Alex ay patuloy padin ang pagbebenta ng taho ni Tatay Dong. Matagal na silang hindi nagkita ng anak-anakan at isang araw ng bisitahin siya nito ay napaiyak siya sa tuwa at niyakap si Alex matapos niyang marinig ang mga katagang,“Tay may abogado kana.”



Ang totoong kwentong ng buhay na ito ay nagpa-antig sa puso ng mga netizens at natutong pahalagahan ang bawat taong nasa paligid nila.