Kagulat-gulat ang Edad ng Mommy na Ito Dahil Kung Titignan ay Parang Teenager Lamang Subalit Ito ay Age 50 na Pala!

Isang indonesian mom ang sikat ngayon sa social media dahil sa kanyang angking kagandahan. Subalit hindi lamang yun ang dahilan kung bakit ito sikat sa social media. Dahil ang Mommy na ito ay madalas din na mapagkamalang girlfriend ng kanyang dalawang binatilyong mga anak dahil sa kanyang baby face na kung titignan ay parang isa lamang siyang teenager.




(Courtesy: www.instagram.com/puspadewihc)

Ang sikat na momshie na ito ay si Puspa Dewi. Isa itong Entrepreneur sa Jakarta, Indonesia. Kapansin- pansin sa kaniyang mga litrato na nasa 20’s lamang ang kaniyang edad. Ngunit ang katotohanan ay nasa Edad Singkwenta na ito.



Kaya naman sa kaniyang ika-50th birthday party ay nagpost ito sa kanyang Instagram account ng litrato kasama kaniyang asawa at dalawang anak. Ang post na ito ay lubos na nakagulantang sa mga netizens dahil hindi nila inakala na ito ay mayroon na palang asawa at dalawang binatilyong anak. Kaya naman umani ito ng papuri at kumalat sa Social Media dahil maraming netizens ang hindi makapaniwala sa edad ng momshie na ito.

(Courtesy: www.instagram.com/puspadewihc)

(Courtesy: www.instagram.com/puspadewihc)



Ayon kay Puspa ang sikreto sa kaniyang batang mukha ay ang pagkakaroon ng healthy lifestyle. Tulad ng balanseng pagdieta at regular na pag-ehersisyo. Kinahihiligan rin nitong maglaro ng mga sports gaya ng badminton at swimming. Kamakailan lamang sinubukan na rin niyang pasukin ang pag-aerobics at zumba. Kaya naman healthy lifestyle talaga ang momshie.

(Courtesy: www.instagram.com/puspadewihc)
(Courtesy: www.instagram.com/puspadewihc)

Gayunpaman, sa lahat ng kaniyang sinabing secreto, ang lubos na nagpapanatili sa kaniyang angking kagandahan at magandang kalusugan ay ang pagbibigay ng buong pagmamahal ng kaniyang pamilya.



Sabi pa niya ang pagkakaroon ng balanseng dieta sa araw-araw ay lubos na maghahatid ng pagbabago sa inyong katawan patungo sa malusog na kalusugan. Isa sa susi sa pananatiling bata ang mukha ay ang laging pagehersisyo. Kaya naman kung gusto mong mapanatili ang iyong kagandahan ay sundin lamang ang kaniyang ibinahaging sikreto.

(Courtesy: www.instagram.com/puspadewihc)

Idagdag pa ang, kasiyahan na nararamdaman kasama ang pamilya tiyak na magiging maganda ang kalalabasan nito. Ika nga ng mga tao sa kaniya habang tumatanda siya ay lalo siyang nagmumukhang bata. Sinangayunan naman niya ito dahil ang pagiging masaya ay siyang maghahatid sa iyo ng mas magandang mukha at pati na rin sa kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *