Rochelle Pangilinan Ibinahagi sa Publiko ang Larawan ng Kanyang Baby Girl!

Nagumpisang makilala noon ng publiko si Rochelle Pangilinan bilang leader ng isang kilalang dance group. Maliban dito ay pinasok niya na rin ang mundo ng showbiz at ipinakita sa publiko ang talento nito sa pag-arte. Ikinasal si Rochelle kay Arthur Solinap, isa ring aktor noong taong 2017. Sa kasalukuyan ay abala si Rochelle sa pagiging asawa at ina sa kanilang kauna-unahang anak ng asawang si Arthur.

(Courtesy:www.instagram.com/rochellepangilinan)

Nanganak ang aktres noong February 24 sa Medical City sa Pasig at pinangalanan nila itong Shiloh Jayne, isang malusog na batang babae Matapos ang panganganak ay hindi mapigilang ibahagi ni Rochelle sa kanyang Instagram account ang ligtas niyang panganganak kasabay ng ilang larawan ni baby Shiloh na talaga naman pinagkaguluhan ng mga netizens.



Ibinahagi din ni Rochelle kung gaano niya naramdaman ang hirap ng pagiging isang ina noong siya ay nanganak kaya naman saludo siya sa lahat ng nanay lalo na sa kanyang ina.

“Hindi madaling manganak,napakahirap! Kaya sa lahat ng Nanay saludo ako sa inyo! Lalo na sa nanay ko!” ,pahayag ni Rochelle sa kanyang Instagram post.



(Courtesy:www.instagram.com/rochellepangilinan)

(Courtesy:www.instagram.com/rochellepangilinan)



Maliban sa mga larawan ni Shiloh ay ibinahagi din ni Rochelle ang larawan nila bilang isang masayang pamilya kasama ang asawa at anak. Kasabay ng larawang ito ang mga salita ng pagpapasalamat sa asawang si Arthur na talaga namang hands on sa pag-aalaga ng kanyang mag-ina.

“Grabe!! ngayon medyo napapadali ang pag recover ko sa tulong ng asawa ko,emotionally,physically,financially(😅😜). Sa kabila ng sunod sunod na trabaho mo Bhe , paguwi mo sa bahay sinisigurado mong may time ka sa kin at kay Shiloh,sinisigurado mong kumain na ko o di kaya ay sabay tayong kakain,sinisigurado mong nakatulog na ko o kaya ikaw muna magaalaga kay baby para lang makatulog ako,sinisigurado mong nabuhat o naamoy mo si baby,napalitan mo sya ng diaper at nakipaglaro ka na sa kanya bago o pagkatapos ng trabaho,grabe ang pasasalamat ko ngayon sa Diyos dahil ikaw ang ibinigay nya sa min,Thank you soooo much sa pagaalaga sa kin… sa amin ni baby.. I love you Bhe!!!!” ,proud na paglalahad ni Rochelle ng mga ginagawa ni Arthur para sa kanya.

(Courtesy:www.instagram.com/rochellepangilinan)





Anong sayang pagmasdan ng isang pamilya na nagmamahalan at nagtutulungan. Congratulations sa inyo Arthur at Rochelle sa bagong yugto ng buhay ninyo nilang mag-asawa ang anak na si Shiloh!