Nagresign ang Lalaking Ito at Nagbenta na Lamang ng Pinya, Ngayon ay Halos libo-libong Pinya ang Kanyang Nabebenta Kada Linggo!

Marami ang naghahanap ng trabaho para kumita ng pera ngunit kapag tumagal na sa trabahong pinasukan ay nakakapag-isip ng mag-resign. Ito marahil ay dulot ng sobrang pagod, stress o di kaya naman ay hindi magandang relasyon sa kaniyang mga kasama sa trabaho o boss. Ngunit minsan ang desisyon na mag-resign sa iyong trabaho para mag negosyo ay isa sa mga pinaka-mainam na desisyon. Kaya naman isang inspiration ang ibinahagi ng lalaking ito na mag-resign sa trabaho at mag-negosyo na lamang.


Ayon sa report, ang naturang lalaki ay nakilala sa pangalang Abdul Rahman Ahmad at dati siyang nagtatrabaho sa isang factory sa Johor Bahru, Malaysia bago siya nagdesisyon na mag-resign at mag tanim ng pinya.

(Courtesy: www.utusan.com)

Hindi naging madali ang piniling buhay ni Ahmad ngunit desidido siya sa kaniyang plano kaya naman hindi siya sumuko kahit na maraming trabaho ang kailangan niyang tapusin para sa negosyong pinasok. Ginamit niya ang naipong pera para makabili ng mga buto ng pinya mula sa Simpang Renggam, Kluang. Siya na rin mismo ang nagtanim ng mga ito at nagdidilig kung kinakailangan.



Nag-umpisa si Ahmad sa pagtatanim ng 2,000 buto ng pinya at ayon sa kanya kailangan mong maghintay ng labing-dalawang buwan o isang taon bago ito mamunga at pagkakitaan.




“In the beginning, I planted 2,000 seeds which took 12 months to finally mature. I would then try to sell it to people passing by in front of my orchard at Kampung Parit Panjang.”,pahayag ni Ahmad sa isang interview.





Tumutulong din sa negosyo ang asawa ni Ahmad na si Maslinda Mastor, 41 taong gulang. Nagbebenta siya ng mga pinya sa palengke at depende sa bigat ang presyo ng mga pinya. Bawat isang kilo ay nagkakahalaga ng 25 hanggang 100 pesos. Ayon sa balitang inilabas ng Utusan, nakakabenta di umano ang mag-asawa ng humigit kumulang 1000 piraso ng pinya sa loob ng isang linggo. Kung halimbawang bawat isang pinya ay nagtitimbang ng 2kilo, umaabot ng 51,000 – 100000 ang kinikita ng mag-asawa sa isang linggo!

“My customers are not only from Johor. I also sell my pineapples to clients from Melaka, Perak, Kuala Lumpur and Singapore.” A lot of people buy my pineapples during the Chinese New Year season as it is commonly known as a symbol of prosperity.”, dagdag pa ni Ahmad.

Tunay ngang kapag may sipag at tyaga samahan pa ng tamang diskarte ay walang duda na magtatagumpay ka sa anumang negosyo na iyong papasukin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *