Lahat tayo ay nangangarap na makatagpo ng taong mamahalin ka ng walang kondisyon, tatanggapin ng buo, at magiging matapat habang buhay. Napakasarap sa pakiramdam na makahanap ng taong may ganitong pag-uugali. Kaya naman ibabahagi namin sa inyo ngayon ang isang kwento ng dalawang mag-asawa na talaga namang nakaka-inspire dahil sa kanilang pagmamahalan.
Naniniwala ka ba sa love at first sight? Dahil ang dalawang mag-asawa ito ay naniniwala sa love at first sight.
Sa unang pagkikita at pagkakilala ni Winston Howe at Janet ay nagkagustuhan na ang dalawa. Sila ay madaling nagkapalagayan ng loob.
Kaya naman hindi na napigilan ang kanilang pagmamahalan na humantong sa pagpapakasal noong 1962. Ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa ay walang pasubaling pag-ibig. Masasabing isa sila sa nagpapatunay ng dalisay na pagmamahalan at perpektong mag-asawa.
Sa kanilang buhay mag-asawa, Nagkaroon sila ng masayang pag-sasama at wagas na pag-iibigan kaya naman hinahangaan sila ng mga taong nakakakilala sa kanila. Bukod pa rito, sa mga taong nakakatagpo at panibagong nakikilala nila ay hindi maiwasang tanungin kung ano ang sikreto nilang dalawa kung paaano napapanatiling matibay at buhay na buhay ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa.
Makalipas ang ilang taon ng kanilang kasal ay tumira sila sa isang malawak kaakit-akit na farmhouse sa Wickwar, Gloucestershire ng South West England. Ngunit ang kanilang bahay ay nakatayo sa ibaba ng lambak na kung saan tumira si Janet noong bata pa lamang siya. Mula sa itaas ng bundok sa lugar ng tirahan ng magulang ni Janet ay matatanaw ang farmhouse nilang mag-asawa. Ang kanilang pagmamahalan ay biniyayan ng isang anak na lalaki.
Ngunit hindi inaasahan ang pangyayari na nagkaroon ng isang kondisyon sa puso si Janet noong 1995. Hindi naglaon ay pumanaw si Janet. Lubos na nangulila at nasaktan ang kaniyang anak at asawa.
Nakahanap ng paraan si Winston upang maibsan ang pangungulilang nararamdaman sa pag-kawala ng kaniyang asawa. Nagtanim siya ng mga halamang puno malapit sa kanilang bahay kung saan napuno ng masaya at pagmamahalan sa loob ng tatlong dekadang pag-sasama. Sa ilang taong nakalipas ay nakapagtanim si Winston ng anim na libong oak trees.
Ngunit walang sinuman ang may alam sa sikreto ni Winston tungkol sa pagtanim nito ng puno sa kanilang bakuran. Sa epasyong naiwan sa loob ng kagubatan ay doon namamalagi at nagkakasiyahan sila ng kaniyang anak. At ang sikretong ito ay nadiskubre ni Andy Collet noong 2012 gamit ang kaniyang hot air balloon. Ang espasyong naiwan sa loob ng kagubatan ay isang napakagandang hugis puso. Ayon kay Andy sa loob ng ilang taong paglipad gamit ang kaniyang balloon hindi pa ito nakakita ng ganitong kagandang tanawin. Idagdag pa na sabi, Mula sa itaas ay makikita ang dalisay na pagmamahalan ng taong bumuo ng kagubatang ito.
Ang mga litrato na nakuha mula sa pagtanaw rito sa itaas ng kalangitan ay nagviral. Makalipas na kumalat at umami ng mga iba’t ibang reaksyon ay sinabi ni Winston ang kaniyang sikreto kung bakit niya ito binuo. Ang hugis puso na ito sa loob ng kagubatan ay para sa kaniyang asawa.
Dahil mula sa kinalikahang tirahan ng kaniyang asawa ay matatanaw ang kanilang farmhouse kaya naman sa tanawing ito mas nagpapahayag na konektado ang kanilang puso. Sa tingin niya ay napakagandang kaisipan ito na punong-puno ng inspirasyon at pagmamahal kaya sinimulan niyang tamnan ng mga oak tress. Nung malaki na ang puno at malabong na pinagmamasdan niya ito sa bundok kung saan tumira noong bata pa si Janet.
Napakagandang regalo ito para kay Janet kung nabubuhay pa sana siya. Ngunit kahit wala na ito ay isang kaibig-ibig at pangmatagalang pugay ito para sa kaniya.