Ilang Mamahalin na Bag at Sapatos ni Jinkee Pacquiao, Ibebenta Niya at Ibabahagi ang Pera Bilang Charity Donation!

Si Jinkee Pacquiao ang isa sa mga kilalang personalidad sa ating bansa na talaga namang may napakaraming koleksiyon ng mamahaling gamit kagaya na lamang ng bag at mga sapatos. Makikita ang ilan sa mga ito sa mga larawan na madalas niyang ibahagi sa kanyang Instagram account. Ang koleksiyon ni Jinkee ay mabilis madagdagan lalo na kapag nananalo ang kanyang asawa na si Manny Pacquio sa kaniyang laban sa larong boksing. Maliban kasi sa mga binibiling gamit ni Jinkee ay madalas din siyang makatanggap ng regalo mula sa “Pambansang Kamao”.



(Courtesy: instagram.com/jinkeepacquiao)
(Courtesy: instagram.com/jinkeepacquiao)

Dahil nga sa dami ng kaniyang mga koleksiyon ay mayroon na siyang sariling kwarto para sa mga ito kaya naman bilang mga babae ay marami sa atin ang hindi maiwasang mainggit sa tinatamasang karangyaan sa buhay ni Jinkee. Ilan naman sa mga showbiz celebrities ay inaabangan ang panahon na magdesisyon si Jinkee na ibenta ang kanyang mga koleksyon at kamakailan lang ay nagkatotoo ang kahilingang ito ng magpost si Jinkee sa kanyang Instagram account ng larawan ng mga sapatos at sinabing:


(Courtesy: instagram.com/jinkeepacquiao)
(Courtesy: instagram.com/jinkeepacquiao)


“Garage sale soon. Proceeds will be going to the Jinkee and Manny Heart Foundation.”



Ang ‘Jinkee and Manny Heart Foundation’ ay itinatag ng mag-asawa sa layuning matulungan ang mga batang may kondisyon sa puso. Ayon pa kay Jinkee ang lahat ng kikitain sa kanyang garage sale ay mapupunta sa nasabing foundation dahil nais niyang siguraduhin na lahat ng pangangailangan ng mga bata ay matugunan.

(Courtesy: instagram.com/jinkeepacquiao)
(Courtesy: instagram.com/jinkeepacquiao)

Naging usap-usapan naman sa social media ang balitang ito ni Jinkee at halos lahat ay gustong makisali sa garage sale lalo na ang mga showbiz celebrities. Ilan nga sa mga nagkomento ay sina Yasmin Kurdi at KC Concepcion. Dahil dito siguradong mabilis na mauubos ang mga ibebentang gamit ni Jinkee. Para naman sa mga nagnanais na bumili ng sapatos siguraduhin ninyong size 6 ang paa ninyo o ng inyong pagbibigyan dahil iyan ang size ng paa ni Jinkee.



Marami ang nagtatanong kung kailan mangyayari ang nasabing garage sale ngunit sa kasalukuyan ay wala pang update mula kay Jinkee Pacquiao.