Pinapakyaw ng mga Customers ang Paninda ng Lalaki sa Kanyang Donut Shop Dahil sa Ganitong Nakakaiyak at Nakakatouch na Dahilan!

Bayanihan ang isa sa pinakamabisang paraan para magawa mo ng mabilis ang isang bagay o di kaya naman ay makamit agad ang iyong pinakamimithi. Ganito ang mga tao noong unang panahon. Ngunit habang tumatagal ay nawawala na rin ang magandang tradisyon na ito sa ating lipunan. Bago pa man tuluyang mawala, ang bayanihang ito ay naranasan ng isang matandang lalaki mula sa kaniyang mga customer.

Ang naturang lalaki ay nakilala bilang si John Chhan. Kasama ang kaniyang asawang si Stell. Pareho silang refugees mula Cambodia. Nagtayo sila ng isang Donut Shop sa Seal Beach, California tatlong dekada na ang nakaraan.




Nagkaroon sila ng maliit na business at tinawag nila ang negosyong ito na “Donut City” kung saan silang dalawa na din mismo ang nagbabantay at nag-aasikaso sa kanilang shop. Sa di kalaunan ay dumami ang kanilang mga customer at tuwang-tuwa ang mga ito sa tuwing nakikita ang dalawa sa loob ng tindahan.

Isang araw, nagulat ang mga customer ng makita nilang si John nalang ang nagtitinda sa donut shop. Madalas din nitong banggitin sa mga customer na kung maaari ay bumili ng isang dosenang donut para mas mabilis maubos ang kanyang mga paninda. Dahil dito naitanong ng kanyang mga customer kung nasaan ang asawa at kung may problema ba silang pinagdadaanan. Ayon sa kwento ni John, nasa rehabilitation center ang kanyang asawa dahil sa sak!t na aneurysm. Wala silang anak o iba pang kakilala na maasahan kaya siya na mismo ang araw-araw na dumadalaw sa center matapos ang pagtatrabaho nito sa tindahan.


https://www.instagram.com/hyphenednation/

Simula ng malaman ng kaniyang mga customer ang malungkot na balitang ito ay araw-araw na silang nagbilihan ng donut sa tindahan ni John. Pinapakyaw nila ang mga paninda ni nito dahil gusto ng mga customers niya na makapunta siya agad sa kanyang asawa upang mabantayan ito at mabisita.



Pinakamababa na ang isang dosenang order kaya naman umaga palang ay ubos na agad ang kaniyang mga paninda. Maliban dito, ang kaniyang mga suki ay nagdala pa ng kanilang mga kakilala para doon na sa shop ni John bumili ng donut.




Malaking tulong ito para magkaroon ng dagdag na kita ang tindahan na siyang nagagamit ng mag-asawa sa kanilang pangaraw-araw na gastusin. Ang ilan naman sa kaniyang customer ay nagsabing gagawan sila ng account sa GoFundMe para hindi na siya magbenta ng donut ngunit tumanggi si John. Mas gugustuhin niyang magtrabaho para sa kanilang mag-asawa at ang tanging tulong na kailangan niya ay maubos agad ang mga paninda para mabisita niya agad ang asawa.

Tunay ngang napakasayang makita ang mag-asawa na nagmamahalan hanggang sa katandaan. Nakakatuwa din na kahit sa panahon ngayon ay nakakakita parin tayo ng bayanihan ng mga tao sa ibang lugar at sana ay patuloy itong maipasa sa mga susunod na henerasyon.