Sila ang mga Male Celebrities na Gwapo pa rin Kahit Nasa Edad 40’s at 50’s Na!

Hindi maiiwasan ang pagtanda at pagkulubot ng ating mga balat ngunit mayroong mga tao na kahit tumatanda na ay nanatili padin ang magandang mukha at appeal na talaga namang nakakaakit. Ilan na sa mga ito ang mga celebrities na talaga namang hot pa rin kahit may mga wrinkles ng makikita sa kanilang mukha. Narito ang ilan sa kanila:




1. Ian Veneracion, 44

May lahing Spanish- Filipino ang aktor kaya naman mas lalong kapansin-pansin ang pagkakaroon nito ng magandang mukha.Nagsimula siya sa showbiz industry noong taong 1982 at nakilala hindi lamang sa pagiging gwapo kundi pati na rin sa galing sa pag-arte. Sa edad niya ngayon na 44, wala pa ring kupas ang kagwapuhan.

2. Derek Ramsay, 42

May lahing Filipino-Bristish si Derek at lapitan siya ng mga babae hindi lamang sa kanyang mukha kundi dahil na rin pagkakaroon nito ng machong pangangatawan. Sa edad na 42 taong gulang ay isa siya sa mga tinaguriang hottest men sa bansa.

3. Richard Gomez, 52




Ang “tall, dark and handsome” ng showbiz industry. Habang lumalaki ay ganito na ang naging bansag kay Richard ng mga taong nakakakita sa kanya at kahit sa edad na 52 taon gulang ay napapanatili niya pagiging gandang lalaki.

4. Robin Padilla, 50

Ang “Bad Boy” ng pelikulang Pilipino. Marami ang mga babaeng patay na patay kay Robin hindi lamang sa kaniyang kagwapuhan kundi sa astig na pagkilos. Hanggang ngayon nga sa edad na 50 taong gulang ay marami parin ang nahuhumaling sa aktor

5. Gabby Concepcion, 54

Ang matinee idol na naging hearthrob ng showbiz industry noong 1980’s. Marami siyang pinagbidahang pelikula at hanggang ngayon sa edad na 54 ay nagkaroon siya ng come back movies kasama ang ilang batikang aktres.

6. Albert Martinez, 57




Ang Spanish-Filipino na si Albert Martinez ay pinasok ang showbiz industry noong taong 1980 at hanggang ngayon ay bumibida parin siya sa mga teleserye at pelikulang Pilipino Pinatunayan nitong sa paglipas ng panahon ay wala pa ring kupas ang kaniyang galing sa pag-arte pati na rin ang pagiging gandang lalaki.

7. Piolo Pascual, 42

Kilala ng karamihan si Piolo Pascual bilang si “Papa P” at talaga namang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dahil sa angkin nitong kagwapuhan.



8. Richard Yap, 51

Nagsimulang makilala sa showbiz si Richard Yap sa kaniyang 40’s at nakilala siya sa tawag na “Sir Chief”. Kahit na matanda na ay marami pa rin ang mga kababaihang nahulog ang loob sa aktor.