Sa init ng panahon ngayon napakasarap uminom ng malamig na tubig lalo na kung may kasama pang yelo. Isa nga sa mga in-demand na order sa mga restaurants ay mga pagkain at inumin na may yelo kagaya ng iced-tea at halo-halo. Ngunit alam niyo ba kung gaano kadumi ang mga yelong ito?
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng isang estudyante sa middle school na si Jasmine Roberts, higit na mas madumi ang mga yelong ginagamit sa ilang restaurants kaysa sa tubig sa inidoro.
Ang labindalawang taong gulang na batang ito ay ginawa ang nasabing experimento para sa kanyang science project at sinuri ang limang restaurants sa South Florida. Para maging pantay-pantay ang paghuhusga, kumuha siya ng sample mula sa mga makinang panggawa ng yelo at sa drive-thru windows. Maliban dito kumuha din siya ng sample ng tubig mula sa mga inidoro ng napiling restaurants.
Sinuri ni Jasmine ang mga sample gamit ang isang microscope para malaman kung anong mikrobyo ang mayroon sa mga ito. Matapos ang mahabang proseso ay natuklasan niyang may E. coli bacteria ang 70% sa mga sinuri niyang yelo mula sa mga restaurants. Ang bacteria ito ay makikita sa dumi ng tao na makasasama sa ating kalusugan kung ito ay mapapasama sa mga pagkain at inumin.
Ito naman ang naging pahayag ni Dr. David Katz, medical contributor ng programang “Good Morning America”:
“It’s not cause for panic, although it is alarming because what she found is nothing new. You’re not more likely to get s!ck now. But she’s done us a favor by sounding the alarm.”
Dahil sa balitang ito nagsagawa na rin ng pag-aaral ang ilang kilalang fastfood restaurants na madalas nating binibilhan. Ayon sa resulta, ang kanilang mga yelo ay mayroon ngang mas mataas na level ng bacteria kumpara sa tubig na nakuha sa inidoro.
Maraming netizens ang nabahala ng kumalat ang balitang ito sa social media kaya naman karamihan sa kanila ay naging maingat na sa pagbili ng mga inumin o pagkaing may kasamang yelo sa mga restaurants.
Magandang impormasyon ito para sa atin upang mas maging aware tayo sa ating mga binibili sa labas. Kaya naman mahalaga kung ibabahagi ninyo ito sa inyong mga mahal sa buhay upang maalarma rin sila at mas maging maingat sa pagbili ng inumin o pagkain.