Tignan Kung Gaano din Ka-Bongga ang Lifetyle ng Kambal ni Jinkee Pacquiao na si Janet Jamora!

Sikat na sikat nga naman talaga si Jinkee Pacquaio dahil sa kanyang mga fashion style at mamahalin na mga bags, sapatos, alahas at mga damit. Talaga namang inaabangan lagi siya ng kanyang mga fans sa bagong mga posts sa Social Media. Maging ang kanyang kambal na kapatid na si Janet Jamora ay inaabangan na rin ng kanyang mga fans dahil madalas silang ‘Twinning’ sa kanilang mga larawan sa Instagram. Kung gaano ka-bongga si Jinkee, ganun din ang kanyang kambal.



(Courtesy: www.instagram.com/jinkeepacquiao)

Ipinanganak si Janet at Jinkee sa Saint Elizabeth Hospital in General Santos City noong January 12, 1979. Madalas na mapagkamalang si Janet na siya si Jinkee Pacquiao sa tuwing may ibang tao na makakakita dahil identical twins ang dalawa.




“There are times when people do not even believe I’m not Jinkee, I just explain that I am the twin sister,” pahayag ni Janet sa isang interview. 

(Courtesy: www.instagram.com/jinkeepacquiao)
(Courtesy: www.instagram.com/jinkeepacquiao)



“I am very proud and happy to be Jinkee’s twin sister,” dagdag pa nito.

Bukod sa magkamukha ang dalawa, parehas din daw ang taste nila sa Fashion. Madalas na makita ang kambal na mag-shopping ng sabay at bumili ng mga luxury items bilang kanilang mga OOTDs na makikita sa kanilang Instagram Accounts.

(Courtesy: www.instagram.com/jinkeepacquiao)
(Courtesy: www.instagram.com/jinkeepacquiao)
(Courtesy: www.instagram.com/jinkeepacquiao)



Kwento pa ni Janet, noong sila ay bata pa madalas parehas ang ibinibiling mga damit sa kanila at kadalasan din silang mag-away ni Jinkee sa mga damit at laruan. Subalit ngayong matanda na sila, sabay silang mamili ng mga luxury items kung saan mas naging malapit pa ang dalawa sa isa’t isa.

Madalas din i-post ni Jinkee sa kanyang Instagram ang mga twinning moments nila ng kanyang older twin sister na si Janet. Makikita kung gaano din ka-bongga ang lifetsyle ni Janet kagaya ng buhay na mayroon ngayon si Jinkee. Mapapansin din na sa  bawat trip ni Jinkee sa ibang bansa ay kasa-kasama niya ang kanyang kapatid na si Janet.

(Courtesy: www.instagram.com/jinkeepacquiao)




(Courtesy: www.instagram.com/jinkeepacquiao)
(Courtesy: www.instagram.com/jinkeepacquiao)

Talaga namang nakaka-inggit ang pagiging fabulous ng dalawa! Kaya naman inaabangan din ng mga netizens ang buhay ni Janet dahil hindi ikaka-ila na bongga din ito kagaya ni Jinkee.

Leave a Reply

Your email address will not be published.