Anak ni Claudine Barretto Nagbigay ng Malambing na Mensahe sa Kanyang Tita na si Gretchen Barretto Tungkol sa Kanyang Pagtulong kay Sabina!

Ang mga Barretto sisters ay isa sa mga kilalang aktres sa industriya ng showbiz at madalas silang nagiging laman ng mga balita. Ilan na dito ang kani-kanilang love life o di kaya naman ay ang away-bati nilang relasyon bilang magkakapatid. Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon na rin sila ng kani-kanilang pamilya ngunit hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ng mga isyu patungkol sa kanila kasama ang kanilang mga anak. Isa na nga rito ang di umano ay hindi pagtanaw ng utang na loob ni Dani Barretto sa kanyang tita na si Gretchen Barretto. Nangyari ang insidenteng ito matapos sabihin ni Dani na pinalaki siyang mag-isa ng kanyang ina na si Marjorie. Umalma si Gretchen dahil kasama daw siya at ang bunsong kapatid na si Claudine sa pagpapalaki sa batang si Dani ngunit tila ba hindi ito napahalagahan ng dalaga.




(Courtesy: https://www.instagram.com/claubarretto)

“I was hoping na I raised, or I gave love to people who at least can be grateful. Not counting the material things that I give away. But the time, the love and the attention, ‘yun lang.” pahayag ng aktres sa kaniyang social media account.

Sa kabilang banda lubos namang ikinatuwa ni Gretchen ang liham sa kaniya ng panganay na anak ni Claudine na si Sabina. Nagpapasalamat ito sa lahat ng ginawa ng tita niya para matulungan ang kaniyang Mommy na mabigyan sila ng maayos na buhay kasama ang kapatid na si Santino.


(Courtesy: https://www.instagram.com/claubarretto)
(Courtesy: https://www.instagram.com/claubarretto)

Sa liham ay makikitang binanggit ni Sabina ang ilan sa mga bagay na naitulong sa kaniya ng tita Gretchen at ilan na dito ng pagbabayad ng Kumon at G-Force. Masayang-masaya si Sabina dahil sa tulong ng kaniyang tita ay natututo siya ng maraming bagay kagaya na lamang ng pagsasayaw.

“Dear Mama Nen, Thank you for paying for my Kumon & G-Force. I have started Kumon and improved dancing thanks to you.”, pahayag ng bata sa kanyang liham.


(Courtesy: https://www.instagram.com/claubarretto)

Kasama rin ng liham ni Sabina na ibinahagi ng kaniyang inang si Claudine sa Instagram ay ang drawing niya ng isang happy family. Nandoon ang kaniyang mommy Caudine at kapatid na si Santino kasama na rin ang tita Gretchen at anak nitong si Dominique.