Ito ang Surpresa ni vice Ganda sa Lola na Ito na Nagtapos ng High School sa Edad na 81 Taong Gulang!

Noong “Holy Week” o Mahal Na Araw, karamihan sa atin ay abala sa pagninilay-nilay ng ginawa ni Hesu Kristo sa krus ng kalbaryo para tayo ay maligtas sa tiyak na kapahamakan. Maging ang mga TV networks ay naki-isa rin sa pagdiriwang ng Mahal Na Araw at mayroon nga silang kani-kaniyang paraan ng pagsasagawa nito. Para sa noontime show na “It’s Showtime”, bawat host ay may mga tinulungang tao na talaga namang kamang-mangha at nakaka-antig ang kwento ng kanilang buhay.



Isa na nga sa mga ito ang 81-taong gulang na naging viral sa social media dahil nagawa nitong makapagtapos ng senior highschool sa kabila ng katandaan. Siya ay si Lola Sally at nag-aral siya sa Fort Bonifacio High School na matatagpuan sa Makati. Madalas pumapasok ng maaga sa kaniyang klase ang matanda at pinatu ayan ito ng kaniyang adviser na si Abner Ubiña. Determinado si Lola Sally na makapagtapos ng pag-aaral dahil para sa kaniya kawawa ang tao na walang pinag-aralan dahil madali itong maloloko.


“Madaling lokohin ang walang pinag-aralan. Gusto ko talaga matapos ang pag-aaral ko kahit matanda na ako, kakayanin ko.”pahayag niya sa isang interview.

Noon pa man ay gusto niya ng makapagtapos ng pag-aaral ngunit dahil nakapangasawa agad siya ng isang sundalo at nagkaroon ng sampung anak ay naisantabi ang kaniyang pangarap na maging isang military nurse. Kaya naman noong nakakita ng pagkakataon na makapag-aral muli ay hindi na ito pinalagpas pa ni Lola Sally. Ikinagulat ng marami ang kaniyang naging desisyon at hindi maiiwasan na mayroong magkomento ng negatibo ngunit hindi ito naging hadlang sa kaniya para makapagtapos ng highschool.



Lubos na namangha si Vice sa kwento ng matanda at hindi napigilan ang sarili na magbalik-tanaw sa buhay ng kaniyang kabataan.

“Nahiya ako kasi nung may panahon akong mag-aral, na malakas ako sa pangangatawan ko, inaksaya ko iyong pagkakataon na iyon, ‘di ba? Samantala ‘yung ale, naghahabol.”,pahayag ng host matapos marinig ang kwento ni Lola Sally.

Bilang handog ay binigyan siya ni Vice ng ilang regalo at furnitures. Walang mapag-lagyan ang saya ni Lola Sally dahil maliban sa toga at diploma na kaniyang natanggap ay natupad rin ang kaniyang pangarap na magkaroon ng maayos na furniture ang kanilang bahay.



Ang host naman na si Vice Ganda ay may pahabol na paalala sa nakararami at sinabing: ” Hindi rin sapat na dahilan na matanda na tayo para mawalan tayo ng pag-asa.Hindi sapat na dahil na matanda na tayo para isuko ang lahat. Matanda na tayo pero buhay pa tayo.”