Kilalanin ang Napakagandang Anak ni Lito Lapid na Gumagawa na rin ng Sariling Pangalan sa Mundo ng Showbiz Ngayon

Isa sa mga anak ng dating actor at senador na si Lito Lapid ay si Maria Ysabel Ortega-Lapid o mas kilala bilang Ysabel Ortega. Anak siya ni Lito Lapid sa dating singer na si Michelle Ortega na ngayon ay isa ng Social Welfare Assistant Secretary. Ipinanganak si Ysabel noong January 25,1999 at tila ba nakuha nito ang galing ng ama pagdating sa pag-arte.

(Courtesy:instagram.com/ysabel_ortega)




Nagsimula siyang magkaroon ng break bilang isang artista noong siya ay labing-anim na taong gulang pa lamang at aminadong medyo nahirapan siya sa pinaka-unang role na ibinigay sa kanya ng direktor. Ayon sa interview sa kaniya ng DZMM noong taong 2015, isang lasing na babae ang kailangan niyang gampanan na role at dahil nga hindi niya pa naman nasusubukan na malasing, wala siyang ideya kung papano niya ito gagawin.

(Courtesy:instagram.com/ysabel_ortega)



Sa kabutihang palad ay tinulungan siya ng kaniyang kapwa actor para magawa ang kailangan sa eksena kaya naman napagtagumpayan niya ang unang pagsubok bilang isang artista at nagsunod-sunod na ang mga proyekto na ibinigay sa kaniya. Ilan na rito ang On the Wings of Love, Born for You, Pusong Ligaw,kung saan siya mas lalong nakilala ng publiko at ang pinakahuli ay ang noong nakaraang taon ng maging parte siya ng Precious Hearts Romances Presents : Araw Gabi kasama ang aktres na si Barbie Imperial.

(Courtesy:instagram.com/ysabel_ortega)

Sa kasalukuyan ay tuloy parin ang pagsikat ni Ysabel bilang artista at nakatira siya sa bahay ng kaniyang ina kasama ang kaniyang stepfather na si Gregorio “Greg” Pimentel, isang Police Director na todo suporta rin sa kaniyang pagpasok sa showbiz. Sa kabila nito ay maayos naman ang kaniyang relasyon sa tunay na amang si Lito Lapid at noong bata pa siya ay madalas silang nagkikita at nagkakausap ngunit habang tumatagal ay aminado si Ysabel na hindi na niya gaanong nakikita pa ang ama.


(Courtesy:instagram.com/ysabel_ortega)

Ang bagay na ito ay naging usap-usapan ng publiko ngunit sinigurado ni Ysabel na maayos parin ang kaniyang relasyon sa ama at sa katunayan ay isa ito sa mga dahilan kung bakit pinili niyang maging artista.

“He’s one of the reasons why I joined showbiz because I look up on him. He’s one of my role models and I’m very proud to have him as my father.”, pahayag ni Ysabel sa interview ni Boy Abunda sa kanya.

(Courtesy:instagram.com/ysabel_ortega)
(Courtesy:instagram.com/ysabel_ortega)

Maliban sa pagiging artista ay isa ring commercial model at singer si Ysabel at dahil nga sa kaniyang talent ay hindi imposible na maabot niya rin ang kasikatan na noon ay naranasan ng kaniyang ama na si Lito Lapid.