Mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo, Ibinahagi Kung Papaano Nila Dinidisiplina ang mga Anak Pagdating sa Pag-gamit ng mga Gadget

Tanggapin man natin at sa hindi, ang teknolohiya at mga gadget ay malaking tulong sa henerasyon ng mga bata sa panahon ngayon. Karamihan nga sa mga bata ay mas mabilis na natuto kapag gumagamit ng gadget at ang mga estudyante naman ay mas mabilis nakagagawa ng kanilang mga takdang aralin o proyekto sa paaralan sa pamamagitan ng paggamit ng internet. Ngunit kagaya ng maraming bagay ang mali o sobrang paggamit ng teknolohiya at mga gadgets ay hindi maganda sa ating kalusugan lalong-lalo na sa ating mga anak.

(Courtesy:instagram.com/officialjuday)

Habang ang ilang magulang ay nahihirapang disiplinahin ang kanilang mga anak sa paggamit ng gadgets, ang mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo ay nagbahagi ng kanilang paraan kung paano mababawasan ang oras ng mga bata sa harapan ng cellphone,tablet o laptop.




Ayon sa mag-asawa, una sa lahat ay dapat ipaliwanag sa mga bata ang tamang gamit ng mga gadgets para alam nila na hindi ito kagaya ng kanilang laruan na pwede nilang gamitin anumang oras nila gustuhin. Kagaya halimbawa ng cellphone, ipaliwanag na ito ay gagamitin lamang pantawag o pantext. Ang tablet at laptop naman ay gagamitin lamang kapag may kailangan sa paaralan o may nais matutunan gamit ang internet.

Pangalawa, sanayin ang mga bata sa oras ng paggamit ng gadgets. Ang ginagawa ni Judy Ann at Ryan ay mayroon silang nakalaang oras depende sa edad ng kanilang mga anak. Halimbawa nalang sa bunso nilang si Luna na sa loob ng isang araw ay dalawang oras lamang pwedeng gumamit ng gadgets, isa sa umaga at isa sa hapon.


(Courtesy:instagram.com/officialjuday)
(Courtesy:instagram.com/officialjuday)

Samantala, sa mas matanda nilang anak na sina Lucho at Yohan, mas maraming oras ang kanilang binibigay pero sa pagitan nito ay may ibang bagay silang ginagawa na hindi gumagamit ng gadgets. Si Lucho ay sumasali sa sports, si Yohan naman ay abala sa kaniyang mga takdang aralin samantalang si Luna naman minsan ay tumutulonh kay Judy Ann sa kusina.



(Courtesy:instagram.com/officialjuday)

(Courtesy:instagram.com/officialjuday)





Bilang ina, sinisiguro rin ng aktres na alam niya ang mga pinapanood at pinupuntahang websites ng kaniyang mga anak sa pamamagitan ng pagtingin sa browsing history para narin mabalaan ang mga ito kung sakaling may mga bagay silang napanood na hindi angkop sa kanilang edad. Masaya ang mag-asawa dahil masunurin naman di umano ang kanilang tatlong anak at hindi sila nahihirapan na magpatupad ng mga batas sa loob ng bahay.

Ikaw, paano mo dinisiplina ang iyong sarili o ang iyong anak sa oras ng paggamit ng gadgets?