Nagtapos ng Magna Cum Laude ang Anak ng Isang Pedicab Driver na ito sa Camarines Sur!

Bawat hirap ng buhay ay may kaakibat na kwento ng tagumpay at bawat matagumpay na mag-aaral ay may magulang na handang gawin ang lahat mabigyan lang sila ng magandang kinabukasan. Isang kwento nga ng mag-aaral ang naka-antig na naman ng puso ng mga netizens dahil nasungkit niya ang isa sa pinakamataas na parangal sa pagtatapos ng kolehiyo.



Ang nasabing estudyante ay nakilala bilang si Sandra Estefani Ramos, nagtapos ng Bachelor in Secondary Education sa mataas na paaralan ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology at hinirang na Magna Cum Laude ng kanilang klase. Marami ang humangang netizen sa dalaga dahil maliban sa natanggap na paranggal ay pinatunayan niyang hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral.

(Courtesy: facebook.com/Sandiiieetoot30)

Pedicab driver ang ama ni Sandra at nasa bahay lang ang kaniyang ina para alagaan silang magkakapatid. May mga pagkakataon na gipit ang kanilang pamilya pero kahit minsan ay hindi nagkulang ang ama sa pagbigay ng kanilang pangangailangan para sa kanilang pag-aaral. Ito ang nag-udyok sa dalaga para mas lalong pagbutihan ang pag-aaral at kahit na maraming matalino sa kanilang klase ay nalamangan niya ang mga ito.


(Courtesy: facebook.com/Sandiiieetoot30)
(Courtesy: facebook.com/Sandiiieetoot30)

“Until now, I didn’t know how I was able to achieve this award. Even if I know that there are other students more intelligent than me, I still do my best. Even if I didn’t know how, I do know the people who are the reason why I became Magna Cum Laude.”, pahayag ni Sandra sa isang panayam sa kanya.

Ang bagay na ito ay pinatunayan ng isang School Associate Professor na si Professor Ronnie Rubi. Ayon sa guro, tunay ngang masipag ang batang si Sandra at kitang-kita sa kaniyang mga gawi kung papaano niya pinagsisikapan na magtagumpay sa pag-aaral sa kabila ng hirap at pagsubok na kaniyang pinagdadaanan sa buhay.

(Courtesy: facebook.com/Sandiiieetoot30)

(Courtesy: facebook.com/Sandiiieetoot30)



Masayang-masaya naman ang mag-asawang Cyril at Renato Ramos dahil sa wakas ay nakapagtapos na ng kolehiyo ang kanilang anak na si Sandra at may bonus pa itong medalya. Hindi maitago ang kanilang kasiyahan dahil nakita na nila ang bunga ng kanilang hirap para mabigyan ng maayos na buhay ang anak.

(Courtesy: facebook.com/Sandiiieetoot30)

Tunay ngang walang imposible sa taong nagsusumikap na maabot ang kaniyang mga pangarap lalo pa at suportado siya ng kaniyang mga magulang.