“Please Don’t Have a Boyfriend”, Ito ang Advice ni Karylle Yuzon sa mga Babaeng Single Dahil sa Ganitong Kadahilanan!

Si Karylle ay asawa ng Spongecola frontman na si Yael Yuzon at ikinasal sila noong March 21,2019. Maliban kay Yael ay naging kasintahan din ng aktres ang Kapuso aktor na si DingDong Dantes. Tumagal ng halos tatlong taon ang kanilang relasyon ngunit hindi sila itinadhana na magkasama hanggang sa huli at nagkaroon ng kani-kaniyang relasyon. Naging kasintahan ni Karylle si Yael Yuzon samantalang si DingDong naman ay nahulog sa aktres na si Marian Rivera.

(Courtesy: instagram.com/anakarylle)





Sa mga pinagdaanan ni Karylle sa buhay pag-ibig ay marami siyang mga bagay na natutunan at nais niyang ibahagi sa kapwa niya babae. Isa na rito ang babala niya sa mga babaeng single (kakahiwalay lang sa dating boyfriend) na huwag basta-basta papasok agad sa bagong relasyon at sa halip ay magkaroon muna ng sapat na panahon para mas lalong kilalin at mahalin ang sarili. Ang bagay na ito ay isiniwalat ng aktres sa panayam ng PEP.ph sa kaniya.

(Courtesy: instagram.com/anakarylle)


“I always tell people, especially yung mga bagong single. I give them a big hug, and I keep saying, ‘Please don’t have a boyfriend.’ Like, don’t rush to your next relationship. Just have a relationship with yourself.”,pahayag ng aktres sa Philippine Entertainment Portal.

(Courtesy: instagram.com/anakarylle)



Para kay Karylle, masarap ang buhay single dahil ito ang panahon na magagawa mo ang lahat ng gusto mo ng walang pumipigil sayo. Ito rin di umano ang mainam na pagkakataon para mas lalong pagbutihin mo ang mga bagay na meron ka kagaya ng talento at trabaho. Taliwas naman ito sa kadalasang sinasabi ng ibang tao na malungkot ang buhay single at masaya kung mayroon kang kasintahan na makakasama mo sa lahat ng bagay.

(Courtesy: instagram.com/anakarylle)



Gayunpaman, sinabi rin ng aktres sa huli na bawat babae ay may kani-kaniyang desisyon sa buhay at ang ilan ay mas pinipiling magpakasal ng maaga samantalang ang ilan naman ay pinipili munang maging maayos ang buhay at career bago pumasok sa isang relasyon. Alinman sa dalawa, bawat babae ay dapat maging masaya sa desisyon na kanilang gagawin kaya mainam na pag-isipn muna itong mabuti at huwag padalos-dalos.

Kung ikaw ang paipiliin mas gugustuhin mo bang mag-asawa ng maaga o mag-asawa ng may-edad na?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *