Ito ang Dahilan Kung Bakit Hindi Dapat Hulihin at Kainin ang Isdang Ito Ayon sa Isang Netizen!

Ang isdang Loro o tinatawag na Parrot Fish ay isa sa mga magagandang isda na makikita sa karagatan ng Pilipinas kung saan nagmula ang kanilang pangalan sa ibong Loro dahil sa pagkakahawig ng bibig nito sa tuka ng ibon. Maliban dito, mayroon din itong makukulay na balat na kagaya ng sa ibong Loro at madalas silang makita sa malalim na bahagi ng karagatan.



Malaking tulong ang mga isdang ito para mapanatiling malinis ang ating mga bahura o “coral reef”. Ayon kasi sa ilang pag-aaral na ginawa patungkol sa mga isdang ito, 90 porsyento ng oras nila sa isang araw ay ginugugol sa pagkagat-kagat ng mga lumot na nakasabit sa mga bahura. Kasabay rin ng pag-aaral na ito ay napag-alaman ng mga maninisid at sayantipiko na ang mga isdang loro ay nagdudumi ng mga buhangin na aabot sa 200 pounds kada taon kaya naman malaking tulong sila para mapanatili ang makapal na buhangin sa ating mga karagatan.





Ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit hindi dapat hinuhuli at pinapat@y ang mga isdang Loro. Isang concerned netizen nga na nagngangalang Reg O. Carlotta ang nagbahagi ng impormasyong ito sa kanyang Facebook post matapos niyang makita ang napakaraming isda na ibinebenta sa palengke ng Alabang. Isang diver si Carlotta kaya naman alam niya kung gaano kahalaga ang isdang Loro sa pagpapanatili ng malusog na karagatan sa ating bansa. Naglalakad siya noon pauwi nang makita niya ang mga isda sa palengke at hindi niya napigilan ang sarili na huminto at kunan ito ng larawan. Kinausap niya rin ang nagbebenta ng isdang Loro at sinabing masama ang paghuli at pagp@tay sa mga ito dahil kakaunti nalang ang bilang nila sa karagatan.

(Courtesy: facebook.com/reg.carlotta)

Umani ng maraming komento mula sa netizens ang nasabing post ni Carlotta at ang ilan ay nagsabing pwede namang kainin ang mga isdang Loro at masustansiya ang mga ito ngunit binawian sila ni Carlotta at sinabing:

“Yes, puwede kainin but for us divers this is a big No No!!! There are important reasons why we should not eat them and dapat we should educate the fishermen to stop catching these beautiful fish!”



(Courtesy: facebook.com/reg.carlotta)


“There is a reason for their existence so please let’s not eat them. Alamin natin bago natin kainin.”,dagdag pa ni Carlotta.

(Courtesy: facebook.com/reg.carlotta)

Ang Facebook post ni Carlotta ay kaniyang paraan para ipaalala sa karamihan kung ano ang halaga ng isdang Loro at para na rin mapukaw ang Gobyerno na pagbawalan ang mga mangingisda na hulihin ang mga ito.

Nakakain ka na din ba ng isdang Loro?Anong masasabi mo sa pahayag na ito ni Carlotta patungkol sa kahalagahan ng isda sa karagatan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *