Inspiring Nanay na Nakamit ang Pangarap na Maging Teacher Matapos Magsumikap Noon Bilang Waitress sa Carinderia!

Pangarap ang siyang nag-uudyok sa karamihan sa atin na huwag sumuko sa laban ng buhay at patuloy na magsumikap abutin ito anuman ang mga balakid na kailangan nating harapin. Isa na rito si Ivy Melody Santos Generoso na pinaghugutan ng lakas ang kaniyang pangarap na maging guro sa mga panahon na nanghihina siya dahil sa hirap ng laban na kaniyang pinagdadaanan.


Maliit pa lamang ay pangarap na ni Ivy na maging isang guro at makatulong sa mga batang nagnanais na matuto ngunit ang pangarap na ito ay hindi niya agad nakamit dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Sa katunayan, ay pinasok ni Ivy ang halos lahat ng trabaho na alam niya para kumita at makapag-ipon ng pera upang makapasok sa kolehiyo.

(Courtesy: facebook.com/ivy.thatsme)

Nagkapagtrabaho siya sa isang karinderya, naghugas ng mga plato at naging waitress. Nakita ng kaniyang lola ang dedikasyon niya na makapagtapos ng kolehiyo kaya naman tumulong na rin ito upang makapag-enroll siya sa ladderized program at makapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Busuness Education.

(Courtesy: facebook.com/ivy.thatsme)

(Courtesy: facebook.com/ivy.thatsme)



Sinubukan niyang maghanap ng trabaho ngunit hindi naging sapat ang kaniyang tinapos para makamit ang pangarap na makapagturo. Lumipas ang mga taon ngunit nanatiling walang maayos na trabaho si Ivy hanggang sa makapag-asawa at magkaroon na siya ng tatlong anak. Sa kabila ng kaniyang pinagdaanan bilang ina, hindi pa rin nawawala ang kaniyang pag-asa na balang araw ay magiging isa rin siyang ganap na guro.

(Courtesy: facebook.com/ivy.thatsme)
(Courtesy: facebook.com/ivy.thatsme)

Naghanap ng mga paraan si Ivy upang makapasok muli sa kolehiyo at ipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng pinansiyal na problema nilang mag-asawa. Sa kabutihang palad ay napag-alaman niya na ang University of Caloocan City (UCC) ay may ibinibigay na scholarship para sa mga taong makakapasa sa kanilang pagsusulit at dahil na rin sa sipag at determinasyon ay nakapasa si Ivy. Sumali rin siya at nanalo sa patimpalak ng Regional Finalist of Soroptomist International Phils. na siyang sumuporta sa lahat ng kailangan niya hanggang matapos ang kolehiyo.

“Ang hirap balikan kung paano ako nagsimula. Nabiktima ako nang mga taong mapanghusga sa paligid. Kesyo nag-aral lang daw ako para mag buhay dalaga, nag-aral lang para magpaganda. Kung kelan matanda na daw ako saka pa ako nag-aral. Bakit daw nag-anak muna ako bago ko to naisipan etc.”,kwento ni Ivy sa kaniyang Facebook post.


(Courtesy: facebook.com/ivy.thatsme)
(Courtesy: facebook.com/ivy.thatsme)


“Literal na ginawa kong umaga ang gabi. Gigising ako nang sobrang aga para makapamalengke, makapagluto, maihanda yung kakainin at susuotin nila. Papasok sa school, magmamadali talaga akong umuwi kasi iniisip ko kung kamusta na sila sa bahay. Pagdating ko, maglilinis ako nang bahay, maglalaba, mamalantsa, at, pagtulog na sila, saka lang ako makakapag-aral.”, dagdag pa ni Ivy.

At dahil nga hindi siya sumuko at nagpadala sa negatibong komento ng mga tao sa kaniyang paligid, sa kasalukuyan ay isa ng ganap na guro si Ivy Melody Santos Generoso at nagtapos siya ng Bachelor of Elementary Education Major in Early Childhood Education. Hindi dito natatapos ang kaligayahan niya at ng kaniyang pamilya dahil nasungkit niya rin ang parangal bilang Cum Laude ng kanilang klase!

(Courtesy: facebook.com/ivy.thatsme)

Tunay ngang walang imposible sa taong nagsusumikap na makahanap ng paraan para makamit ang inaasam na pangarap sa buhay.