Naging Inspirasyon ng mga Netizens si Ryza Cenon Dahil sa Pagbabahagi ng Kanyang Pag-iipon!

Kabilang sa mahabang listahan ng “New Year’s Resolution” ang pag-iipon ng pera sa halip na paggastos nito sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Ngunit kagaya ng ilan sa mga nilagay natin sa listahan ng mga gagawin at dapat baguhin pagsapit ng Bagong Taon, isa ang pag-iipon sa madalas na hindi nagagawa ng karamihan sa atin dahil na rin sa iba’t ibang kadahilanan. Ang ilan ay nahihirapang mag-umpisa sa pag-iipon dahil kulang sila sa inspirasyon o di kaya naman ay tamang proseso sa paggawa nito.




Sa kabutihang palad, mayroong mga netizens ang nagbahagi ng kani-kanilang paraan ng pag-iipon sa social media na nagbigay ng ideya sa ilan kung paano sila mag-uumpisa. Ito ang tinatawag nilang “ipon-challenge” at iba’t-iba ang paraan ng paggawa nito. Mayroong isang pamilya ang sama-samang nag-ipon ng mga tira-tira nilang barya at perang papel samantalang ang ilan naman ay may sinusundang pattern kagaya na lamang ng pagtatabi ng lahat ng kanilang mahahawakan na baryang tag-lilima at sampung piso.

Ang ilan mas minabuting sundan ang pattern ng 52-week ipon challenge kung saan dodoblehin mo ang perang inipon mo linggo-linggo hanggang sa matapos ang taon. Sa ganitong paraan kasi mas malaki ang maiipon mong pera pagdating ng buwan ng Disyembre.

Marami ang nakisali sa sikat na “ipon challenge” sa social media at alam niyo ba na maging ang mga artista ay game na game rin sa ganitong challenge? Isa na nga rito ang sikat na artistang si Ryza Cenon. Makikita sa ibinahaging larawan sa kaniyang Instagram account ang dalawang garapon na naglalaman ng mga perang papel. Ang isa sa mga ito ay naglalaman ng tagbebente samantalang ang isa naman ay puro singkwenta ang laman.

(Courtesy: instagram.com/iamryzacenon)
(Courtesy: instagram.com/iamryzacenon)


“Bagong taon na kailan na ulit mag ipon. Kayo rin ha mag ipon kayo.”,caption ng aktres sa ibinahaging larawan.

(Courtesy: instagram.com/iamryzacenon)
(Courtesy: instagram.com/iamryzacenon)

Namangha ang maraming netizens nang malaman na sumasali din pala sa “ipon challenge” ang artistang kagaya ni Ryza Cenon at dahil dito ay mas na-ingganyo pa silang ipagpatuloy ang nasimulan na nilang pag-iipon. Ang ilan naman ay naging inspirasyon si Ryza sa pagsisimula nila sa “ipon challenge” at sinabing kung ang artista nga nag-iipon pa ng pera mas lalong dapat mag-ipon ang normal na netizens kagaya nila.

(Courtesy: instagram.com/iamryzacenon)
(Courtesy: instagram.com/iamryzacenon)

Ikaw, sumali ka rin ba sa “ipon challenge”? Sa papaanong paraan mo ito ginagawa?