Dating Going Bulilit Star na si Nash Aguas, Mayroon ng Sariling Bahay sa Amerika!

Kamakailan lang ay namangha ang mga netizens at followers ni Nash Aguas sa larawang ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account na @zackwey habang nagbabakasyon ito sa Las Vegas sa Amerika. Makikita sa nasabing larawan na masayang masaya ang aktor habang hawak nito ang papeles na nagpapatunay na pagmamay-ari niya ang bahay na nasa kaniyang likuran!



(Courtesy: instagram.com/zackwey)

“Finally, this house is officially and legally mine!!!! Thank You po!”, caption ng aktor sa nasabing larawan.

(Courtesy: instagram.com/zackwey)

(Courtesy: instagram.com/zackwey)



Sa murang edad na dalawampu ay nabili na nga ng aktor ang kaniyang dream house sa Amerika at hindi maiwasan ng mga netizen na mainggit sa binata dahil sa nakamit niyang tagumpay. Ang ilang celebrities naman kagaya na ni Neri Miranda na asawa ng kilalang bokalista ng banda na si Chito Miranda ay pinuri ang aktor dahil sa galing nito pagdating sa paghawak ng kaniyang mga kinikitang pera mula sa pagiging artista. Maliban kasi sa napabalitang bahay ay nauna ng nagkaroon ng sariling ramen house ang binata na tinawag niyang “Muramen” at matatagpuan ito sa Sampaloc, Manila.

(Courtesy: instagram.com/zackwey)

Lubos namang natuwa si Nash sa positibong komento ng mga netizens at sinabing hindi niya magagawa ang bagay na iyon kung wala ang tulong ng kaniyang ina na siyang magaling pagdating sa pag-iipon. Malaking tulong rin ang mga kamag-anak ng aktor sa Amerika upang mas mapabilis ang proseso ng pag-aasikaso ng mga papeles para sa titulo ng bahay.


“Dahil po iyon kay mommy hehe sobrang kuripot niya po kasi jkjk pero magaling po kasi sya mag-save kaya natutunan ko po sa kanya iyon. Tsaka dahil na rin po sa tito at tita ko sa States na tumulong sa’kin maayos lahat para maging possible yung pag-invest ko ng bahay sa US.”, komento ni Nash kay Neri Miranda.

(Courtesy: instagram.com/zackwey)

Ang kasintahan naman ng aktor na si Mika dela Cruz, dati ring Going Bulilit Star ay suportado ang pagbili niya ng bahay sa Amerika at masayang-masaya ito sa nakikitang pag-matured ng binata.




(Courtesy: instagram.com/zackwey)

(Courtesy: instagram.com/zackwey)

Si Nash Aguas ay unang nakita sa telebisyon noong siya ay anim na taong gulang pa lamang matapos niyang manalo sa Star Circle Quest at tanghalin bilang Grand Kid Questor. Ito ang naging simula ng paglago ng showbiz career ng aktor at hanggang ngayon ay isa siya sa mga batang aktor na talaga namang hinahangaan ng karamihan hindi lamang sa angking kagwapuhan kundi gayun na rin sa kaniyang talento at galing sa pagnenegosyo.