Tignan ang Bagong Tayo na Negosyo ni Alden Richards sa Laguna

Si Alden Richards ang isa sa mga artistang talaga namang tinitilihan ng mga kababaihan dahil na rin sa angkin nitong kagwapuhan. Maliban dito mas lalong nadagdagan ang mga fans ng aktor dahil sa sumikat na love team nila ng aktres na si Maine Mendoza. Ito rin ang naging simula ng sunod-sunod na pagbubukas ng oportunidad sa showbiz career ng binata at maliban dito ay abala rin siya sa kaniyang mga negosyo. Matatandaang noong taong 2016 ay nagbukas ng isang coffee shop ang aktor sa Tagaytay at tinawag itong Concha’s Garden Café.






Samantala kamakailan lang ay ginulat na naman ng aktor ang kaniyang mga fans sa balitang nagbukas muli siya ng isa pang negosyo sa Biñan Highway sa Laguna. Ito ay franchise ng isang kilalang International fastfood chain na McDonalds. Masayang-masaya ang aktor dahil sa wakas ay naisakatuparan na ang kaniyang pangarap na magkaroon ng sariling fastfood restaurant at naitayo pa ito sa kaniyang hometown sa Laguna. Maalalang endorser din si Alden ng McDonalds kaya naman malapit sa kaniya ang naturang kompanya.

Ayon sa aktor hindi naging madali ang kaniyang pinasok na uri ng negosyo at may mga pagkakataon na kinakabahan siya sa magiging takbo nito ngunit lumakas ang loob niya dahil hands-on ang naturang kumpanya para sagutin ang lahat ng kaniyang mga agam-agam.





“They gave us choices. Meron silang Plans A to Z na talagang if everything fails meron silang panic button for everything. Location-wise, I scouted several locations for the store, pero it was disapproved kasi they had to study the area. Tingnan nila ‘yong traffic, ‘yong surrounding, ‘yong environment daily. E, hindi na-approve yong ibang areas that I pitched. So sabi ko, ‘Sige po, since hindi tayo napupunta on the same page, maybe you guys can scout, then I’ll approve. Gano’n naman [ang nangyari]. It’s a really a big investment. Hindi siya biro.”, pahayag ng aktor sa isang interview.





Marami rin di umanong natutunan si Alden sa iba pang mga negosyante na nakausap niya at maging siya ay nagpaplano ring magdadag pa ng company-owned stores kapag naging matagumpay ang McDonalds branch niya sa Laguna. Sa kasalukuyan ay binabalak ring dagdagan pa ni Alden ng dalawang branch ang kaniyang coffee shop na Concha’s Garden Café dahil nagiging kilala na rin ito sa publiko.

Masaya ang netizens para sa aktor at karamihan sa kanila ay excited ng bumisita sa Laguna para makita ang franchise store nito. Ikaw, nakapasyal ka na ba sa naturang branch ng McDonalds na pagmamayari ni Alden Richards?

Leave a Reply

Your email address will not be published.