Anak ni Ogie Alcasid na si Leila Alcasid, Kahawig Umano ang International Star na si Selena Gomez!

Si Leila Isabel van Eimeren–Alcasid ay panganay na anak ng singer, song writer na si Ogie Alcasid sa 1994 Miss Universe Australia na si Michelle van Eimeren. Panganay na anak si Leila at ipinanganak siya sa Pilipinas ngunit lumaki sa Australia kasama ang kaniyang ina kaya naman hindi siya marunong magsalita ng Tagalog.




Kagaya ng kaniyang ama na si Ogie, likas rin sa dalaga ang pagkahilig nito sa musika at maging sa pagsusulat ng mga kanta. Isa ito sa mga dahilan kung bakit umuwi ng Pilipinas si Leila noong taong 2017. Nais niyang sundan ang yapak ng kaniyang ama bilang singer at dahil nga sa angkin nitong talento ay naging parte siya ng pamilya ng ABS-CBN noong taong 2018. Nang taon ding iyon ay nagkaroon siya ng kauna-unahang debut single na pinamagatang “Completely in Love” at inilabas sa publiko noong February 23. Napanood din ito sa iba’t ibang music channel kagaya ng Myx Philippines and Star Music’s YouTube channel.


Marami ang tumanggap sa musika ni Leila at talaga namang hinangaan ang kaniyang galing sa pagkanta. Maliban dito, napansin din ng publiko ang pagkakahawig niya sa international singer na si Selena Gomez. Makikita sa ilang larawan na mukhang magkapatid sina Leila at Selena dahil sa pagkakahawig ng kanilang mga mata at paraan kung paano sila ngumiti. Masaya si Leila sa pagkukumparang ito dahil isa si Selena Gomez sa mga tinitingala niyang international singer.



” I think she’s stunning and I’ve always looked up to here like a public figure. I think it’s a compliment.”, pahayag ni Leila ng tanungin kung ano ang kaniyang masasabi sa pagkakahawig niya di umano sa kay Selena Gomez.

Nagpahayag din si Leila na sana ay makilala rin siya ng publiko sa mga katangian at talento na meron siya at hindi lamang dahil kahawig siya ng isang sikat na mang-aawit. Hindi man maiwasang maikumpara sa iba ay patuloy pa rin ang pagpupursigi ng dalaga sa pag-abot niya ng pangarap na maging sikat na singer kagaya ng kaniyang ama na si Ogie Alcasid.




Ikaw, ano ang masasabi mo sa pagkakahawig nina Selena Gomez at Leila Alcasid?