Kilalanin ang Ilan sa mga Artistang Nakaranas ng Hirap Bago Umasenso sa Buhay

Sabi nga nila bilog ang mundo at hindi ibig sabihin na nasa ibaaba ka ngayon ay mananatili ka nalang sa posisyon mo dahil maraming posibilidad ang pwedeng mangyari sa pag-ikot ng bilog na mundo. Isang patunay na dito ang ilan sa mga sikat na artistang hindi nagmula sa mayamang pamilya ngunit ngayon ay tinatamasa na ang bunga ng kanilang sipag at tiyaga.

Narito ang ilan sa kanila na talaga namang nakaka-inspire ang kwento ng kanilang tagumpay:

1. Vice Ganda





Bukas sa publiko ang sikat na komedyanteng si Vice Ganda kung saang lugar siya nagmula at sa katunayan ay ipinagmamalaki niya ang bagay na ito. Lumaki siya sa Tondo at matapos ang pagkawala ng kaniyang ama ay napilitan siyang iwanan ng kaniyang ina para magtrabaho sa ibang bansa. Naging mahirap ang kaniyang buhay habang lumalaki kaya naman halos lahat ng pwedeng pagkakitaan ay kaniyang ginagawa kagaya na lamang ng pagbebenta ng basahan at pagpapatawa sa mga comedy bar kung saan siya nagsimulang makilala.

2. Coco Martin




Si Coco Martin ay isang simpleng tao lang din bago siya nadiskubre bilang isang artista. Nakapagtrabaho siya sa Canada bilang janitor at umuwi ng Pilipinas matapos ang kaniyang kontrata. Maliban dito ay nasubukan din niyang magtrabaho bilang waiter sa isang kilalang fastfood chain.

3. Ejay Falcon

Nagsimula ang katuparan ng pangarap ni Ejay na maging artista ng tanghalin siyang Big Winner sa reality show ng ABSCBN na Pinoy Big Brother. Ngunit bago makamit ang tagumpay na ito ay maraming pagsubok ang hinarap ni Ejay. Iniwan siya ng kaniyang ina noong siya ay 15 taong gulang kaya naman nagdesisyon siyang lumuwas ng Manila para hanapin ito ngunit mayroon na pala itong ibang pamilya. Sinubukan niya ring pumasok sa kolehiyo ngunit natigil rin ito dahil sa kakulangan sa pera.



4. Karla Estrada

Aminado ang singer at aktres na si Karla Estrada na mahirap ang kaniyang buhay noong bago pa man siya pumasok sa Showbiz. Iniwan kasi siya ng kaniyang ama sa Tacloban at nagkaroon ng anak sa edad na 20 taong gulang. Nagkaroon siya ng tatlong anak at mag-isa niya itong itinaguyod. Sumasali si Karla sa iba’t ibang patimpalak sa pag-awit para lang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang mga anak.

5. Julia Montes

Ang Julia Montes na kinagigiliwan ng publiko dahil sa galing nito sa pag-arte ay nakaranas rin ng hirap sa buhay bago sumikat bilang isang artista. Ayon sa kwento ng dalaga, sanggol palang ay iniwan na siya ng kaniyang ama na isang German. Lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang lola at ina na may kapansanan. Sa murang edad na limang taong gulang ay sumabak na sa mga audition si Julia kasama ang ina at kaniyang lola. Pinagsasabay niya ang pag-aaral at audition dahil alam niyang makakatulong ito para maging maayos ang buhay ng kaniyang pamilya.