Ito na ang Pinagkaka-abalahan Ngayon ng Dating Aktres na si Ara Mina

Karamihan sa mga artista ay pinasok na rin ang mundo ng pagnenegosyo at nakakatuwang makita na tinatangkilik din ito ng publiko. Isa na nga sa mga ito si Ara Mina na maliban sa pagiging aktres ay may talento din pala sa pagnenegosyo.




Una siyang nakita ng publiko sa telebisyon noong siya ay 14 taong gulang pa lamang at mapasali sa palabas na “That’s Entertainment”. Ito ang naging simula ng kaniyang karera bilang artista at dahil sa ipinakitang talento ay nabigyan siya ng maraming proyekto na talaga namang pumatok sa masa at kumita ng malaki sa takilya. Nakatanggap din siya ng maraming award sa pag-aartista at ilan sa mga ito ang tatlong Best Actress Award mula sa iba’t ibang Film Festival.

(Courtesy: instagram.com/therealaramina)




Sa kasalukuyan ay isa ng maybahay at ina si Ara Mina. Napangasawa niya ang mayor ng Bulacan na si Patrick Meneses at mayroon silang isang anak na babae na pinangalanan nilang Amanda Gabrielle. Naging abala si Ara sa pag-aasikaso sa kaniyang pamilya kaya naman madalang nalang siyang gumawa ng mga proyekto bilang artista.

(Courtesy: instagram.com/therealaramina)

Maliban dito ay hands on din siya sa pag-aasikaso ng kaniyang negosyo na Ara’s Secret kung saan nagbebenta siya ng mga pampaganda at nagbabahagi rin ng ilang mga tips kung paano mapapanatili ang pagkakaroon ng makinis na balat. Nagsimula ang Ara’s Secret noong taong 2014 at tuwang-tuwa ang aktres dahil marami ang mga kaibigan niya sa industriya ng show business ang sumuporta sa kaniyang negosyo. Malugod din itong tinanggap ng publiko at halos lahat ay nagbigay ng magandang komento sa mga produkto na ibinebenta ng aktress.



(Courtesy: nstagram.com/therealaramina)

Maliban sa pagpapaganda ay nakahiligan din ni Ara Mina ang baking at noon ngang 2013 ay nagsimula siyang magbenta ng mga cookies at sumasali rin siya sa mga bazaar. Marami ang tumatangkilik sa kaniyang mga gawa kaya naman noong nakaraang taon buwan ng Marso ay naisipan niyang magtayo na ng sariling café kung saan pwede niyang i-display ang kaniyang mga gawa kagaya ng cookies, cake at iba pang pagkain. Pinangalanan niya itong HazelBerry base na rin sa kaniyang totoong pangalan na Hazel Pascual Reyes.

(Courtesy: nstagram.com/therealaramina)
(Courtesy: instagram.com/therealaramina)

Turning my name into a brand is one of my biggest accomplishments. When I launched Ara’s Secret (@arassecret), ang motivation ko was to share my beauty secrets to all of you. You supported me and I am so thankful for that. Overwhelming din ang support ninyo sa Hazelberry Café (@hazelberrycafe) na dinadayo pa talaga ng iba sa inyo. Now, I’m so excited to tell all of you that I am introducing another business venture. I am happy to announce that Ara Shoes is already out!”, pahayag ng aktres sa kaniyang Instagram account.




(Courtesy: instagram.com/therealaramina)

(Courtesy: instagram.com/therealaramina)

Maliban sa pagbibigay ng saya sa kaniyang mga customer ay nakakatulong din ang aktres sa mga espesyal na bata dahil 15% ng kanyang kinikita sa negosyo ay napupunta sa kaniyang foundation. Ayon kay Ara Mina, naisipan niyang magtayo ng foundation dahil naging inspirasyon niya ang kaniyang kapatid na ipinanganak na may D0wn’s Syndr0me.