Marami ang Nagulat sa Pangangatawan ni Ellen Adarna Dahil Na-maintain Niya ang Kanyang Magandang Pangangatawan Matapos Manganak

Maraming ang naiwang tanong sa publiko simula ng mawala bigla sa showbiz ang kilalang aktor na si John Lloyd Cruz gayun na rin ang aktres na si Ellen Adarna noong 2017. Maging sa kani-kanilang social media accounts ay wala ng update ang kanilang mga followers kung ano ang nangyari sa dalawa ngunit pagdating ng taong 2018 ay may mga kumalat na balitang nanganak na di umano ang aktres ng isang batang lalaki na pinangalanan nilang Elias Modesto. Ito ay base na rin sa mga larawang ibinahagi ng ilan nilang kaibigan.



May mga kumalat ngang larawan kung saan karga ni Ellen ang isang batang lalaki kasama si John Lloyd habang masaya nilang sinalubong ang bagong taon sa Japan Disneyland. Isang Instagram account rin na nagngangalang “roxycoco12” ang nagbahagi ng isang maikling video kung saan makikita si Ellen kasama ang ilan pa niyang kaibigan habang nasa swimming pool hawak-hawak ang batang lalaki. Ang ilan namang concerned netizen ay nagbahagi ng ilang mga larawan kung saan makikita si John Lloyd sa mga pampublikong lugar kagaya ng palengke at paradahan ng tricycle.




Maliban sa mga ito ay walang malinaw na pahayag ang panig ng dalawa patungkol sa estado ng buhay nila sa kasalukuyan at kung totoo nga ang kumakalat na balitang nabuntis at nanganak na si Ellen Adarna.

Gayunpaman, sa pamamagitan ng ilan nilang kaibigan kagaya ni Veto Selma ay kitang-kita ng mga netizens ang ilang larawan ng dalawa kasama ang tinatawag nilang “Bali Crew” o ang mga malalapit nilang kamag-anak at pamilya habang sila ay nasa Bali Indonesia. Si Veto Selma rin ang nagbahagi ng ilang larawan ng aktres matapos itong manganak at sa isang larawan nga ay makikitang blooming ang aktres habang nakasuot ng swimsuit at kapansin-pansin ang magandang hubog ng kaniyang pangangatawan. Sa unang tingin ay aakalain mong hindi ito nanganak dahil ganoon pa rin ang hubog ng kanyang katawan noong siya ay dalaga pa lamang at nasa showbiz industry pa.



(Courtesy: instagram.com/vitoselma)

(Courtesy: instagram.com/vitoselma)




Ang mga netizens pati na rin ibang celebrities ay talaga namang humanga kay Ellen Adarna dahil napanatili nito ang ganda ng kanyang pangangatawan kahit na siya’y nagdalantao at ngayon ay isa ng ina. Ang ilan naman ay hindi mapigilang magtanong kung ano ang naging sekreto ng aktres para mawala ang mga taba na naidulot ng pagbubuntis.