Isang Grab Driver Nakatanggap ng 300,000 Pesos na Tulong Pinansiyal Mula sa Isang Aktor na Ito

“Grab” ang isa sa pinakakilalang kompanya na nagbibigay sa publiko ng solusyon para makarating sila sa kanilang pupuntahan sa komportable at minsan ay mabilis na paraan. Maliban sa magandang serbisyo ay may ilan ding nagsasabi na mababait di umano ang mga driver ng nasabing booking company at sa katunayan ay may ilang pasahero na nagiging kaibigan ang mga grab drivers na ito. Sikat rin sila dahil sa mga kwento na ibinabahagi nila sa kanilang pasahero bilang paraan upang hindi sila mabagot sa byahe. Ilan sa mga ito ay kwento ng kanilang buhay noon, kwentong pulitika at ang iba pa nga ay may kwentong love life din.




Kamakailan lang ay isang grab driver na naman ang naging viral sa social media matapos ibahagi ng isang netizen ang kaniyang kwento. Ayon sa grab driver lubos siyang nagpapasalamat sa aktor na si Jerome Ponce sa pagpapakita nito ng kabutihang loob sa kanya noong panahon na siya ay na confine sa hospital. Nagkaroon di umano ito ng pagkakataon para makapagtrabaho sa aktor at kahit hindi nabanggit kung gaano katagal siyang nagserbisyo kay Jerome Ponce ay kapansin-pansin na malapit siya sa aktor dahil todo suporta ito noong siya ay nagkaroon ng karamdaman.





Sa katunayan ay maging mga kaibigan ni Jerome na sina Janella, Loisa at Joshua ay nagbigay din ng tulong sa nasabing grab driver.

“Sumakay kami ng grab then suddenly nag kwento na yung driver sa buhay niya. Then he said “Amo ko si Jerome Ponce, noong na ospital ako tumulong siya sakin nag bigay siya ng” 300,000″ nag bigay din si janella, loisa at joshua.”,pahayag ng netizen na si @angelbanqs sa kaniyang Twitter account.









Hindi pa man kumpirmado ng aktor ang nasabing kwento ng di kilalang grab driver ay umani pa rin siya ng napakaraming papuri mula sa mga netizens lalo na mula sa kaniyang mga fans. Ang ilan ay nagsabing may mabuting puso ang aktor dahil hindi niya alintana ang perang pambayad sa hospital para lang madugtungan ang buhay ng kaniyang empleyado.