Silipin ang Old Style na Bahay ng Aktres na si Katrina Halili sa El Nido Palawan

Karamihan sa mga artista ngayon ay nagiging maingat na sa paghawak ng kanilang pinaghirapang pera mula sa show business kaya naman hindi nakakapagtaka na kaliwa’t kanan ang makikita nating resort, restaurant o iba pang negosyo na pagmamay-ari ng mga kilala nating artista. Isa sa mga ito si Katrina Halili na naging wais sa kaniyang investment matapos nitong bumili ng 13 ektaryang lupa sa El Nido Palawan!





Ang nasabing lupa ay pinatayuan ng aktres ng isang bahay na may dalawang palapag at tatlong silid. Kilala ang property sa tawag na Katrina’s Farm at maliban sa bahay ay mayroon din itong maliit na palayan, mga alagang hayop at isang piggery na pinapaupahan ng aktres sa mga nais magnegosyo. Kapansin-pansin naman ang luntiang mga halaman sa gilid ng bahay ni Katrina Halili at aminado siyang lahat ng ito ay ideya ng kaniyang ina na si Mommy Malou. Ayon pa sa aktres ang kaniyang ina rin ang siyang tumutok sa pagpapagawa ng nasabing bahay at siyang naging abala sa pagdidesenyo ng loob at labas nito.



(Courtesy: realliving.com.ph/home-tours/celebrity-homes)
(Courtesy: realliving.com.ph/home-tours/celebrity-homes)
(Courtesy: realliving.com.ph/home-tours/celebrity-homes)




Pinaghalong “old style” at “minimalist” ang disenyo ng bahay ni Katrina at pagpasok dito ay kitang-kita na halos lahat ng materyales na ginamit ay gawa sa kahoy. Ayon kay Mommy Malou pinili niya ang kahoy na Nara dahil maliban sa kakaiba nitong ganda ay napakatibay din nito.

(Courtesy: realliving.com.ph/home-tours/celebrity-homes)
(Courtesy: realliving.com.ph/home-tours/celebrity-homes)

Sa kanilang sala ay makikita ang nagiisang mahabang kahoy na nagsisilbing upuan ng mga bisita at ang mga maliliit na ilaw sa pader maging ang chandelier na ginamit ay halos hawig ng kulay sa sahig. Para hindi naman magmukhang malungkot ang silid ay naglagay ng mga artificial na halaman si Mommy Malou sa itaas ng bintana malapit sa pintuan.

Ang kanilang kusina at kainan ay gawa rin sa kahoy at makikita dito ang napakaraming drawer kung saan itinatago ni Mommy Malou ang mga gamit sa kusina. Sa babang parte rin ng bahay makikita ang dalawang guestroom na may sariling palikuran.

(Courtesy: realliving.com.ph/home-tours/celebrity-homes)
(Courtesy: realliving.com.ph/home-tours/celebrity-homes)

Sa gilid naman ng hagdan papunta sa ikalawang palapag ay agaw pansin ang napakalaking larawan ni Katrina Halili na regalo di umano sa kanya ng FHM. Dito rin matatagpuan ang Master’s bedroom na mayroong napakalawak na espasyo dahil isang kama at isang mesa lang gamit na nandoon. Mapapansin din sa mga larawang ibinahagi ng aktres na gumamit si Mommy Malou ng puting crocheted na kubrekama at mga katsa naman ang ginamit niyang kurtina sa lahat ng bintana ng bahay.



(Courtesy: realliving.com.ph/home-tours/celebrity-homes)
(Courtesy: realliving.com.ph/home-tours/celebrity-homes)

Simple lang ang bahay bakasyunan na ito ngunit masayang-masaya si Katrina kapag bumibisita siya dito kasama ang anak na si Katy dahil talaga namang nakaka-relax ang lugar at ibang-iba sa syudad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *