Isa di umano sa mga dapat pakatatandaan ng mag-asawa ay ang huwag na huwag maglihim sa isa’t isa. Ayon sa mga Pastor at marriage counselor, ang paglabag dito ay maaring pag-ugatan ng pagdududa at posible ring mauwi sa away at hiwalayan. Sa kabila nito mayroon din namang magandang naidudulot ang paglilihim lalo na kung ang intensiyon nito ay upang sorpresahin at pasayahin ang iyong kabiyak kagaya na lamang ng ginawa ng isang lalaki na nagmula sa Guilin, Guangxi sa China.
Nagsimula ang nasabing lihim ng lalaki matapos siyang ikasal sa kaniyang asawa at makabili ng sariling bahay. Humigi’t kumulang labing-tatlong taon na rin ang nakalipas at wala siyang balak na ipaalam ito sa asawang babae. Ngunit isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nabasag ang vase malapit sa telebisyon habang nagi-ehersisyo sa loob ng bahay ang anak nilang babae.
Laking gulat ng bata dahil maliban sa malakas na tunog na narinig pagbagsak ng vase sa sahig ay tumambad sa kaniya ang napakaraming pera!
Ang kaniyang ina naman ay nagpapahinga noon sa kanilang kwarto sa itaas at dali-dali itong bumaba dahil sa narinig na pagkalabog at sigaw ng kaniyang anak. Kinabahan ang nanay dahil akala niya ay may masamang nangyari sa anak ngunit habang pababa ng hagdan ay nakita niya ang nakakalat na bubog ng vase sa sahig kasama ang limpak-limpak na salapi.
” I was sitting in my bed and suddenly, I hear a loud sound coming from the living room. I quickly jumped out of bed and ran outside. Then I saw the broken vase with a lot of money in it.”, pahayag ng asawang babae sa isang interview.S
Takang-taka ang mag-ina kung bakit mayroong napakaraming pera sa loob ng vase kaya naman agad nilang pinauwi ang kanilang padre de pamilya. Nalungkot ang lalaki nang makitang nasa sahig na ang kaniyang inipong pera at nang makita ang asawa ay nagpaliwanag ito kung bakit niya inilihim ang pag-iipon. Napatawad naman siya ng asawang babae at sa katunayan ay natuwa pa nga ito dahil nakita niyang marunong din pala mag-ipon ang kaniyang kabiyak.
Sama-samang binilang ng mag-anak ang nasabing pera at ang kabuuan nito ay nagkakahalaga ng 5,000 Yuan o humigi’t kumulang 38,000 pesos.