Ito ang Sinabi ni Korina Sanchez sa Kanyang Kasambahay Nang Mapansin Niya ang Pagliligpit sa Damit ng Kambal!

Kilala ng karamihan si Korina Sanchez bilang news anchor ng isang kilalang TV network at napangasawa niya ang dating Senador na si Mar Roxas. Matagal nang kasal ang mag-asawa ngunit aminado silang nahihirapang makabuo ng sanggol dahil na rin sa mga responsibilidad na kailangang gampanan sa kani-kanilang propesyon. Sa ilang interview ay sinabi ni Korina na gustong-gusto niyang magkaroon ng anak at bukas silang mag-asawa sa iba’t ibang paraan kung papaano ito maisasakatuparan.




Sa kabutihang palad ay naging matagumpay ang kanilang piniling proseso sa tulong na rin ng isang kaibigan at dahil dito, hindi naging huli ang lahat para sa 60 taong gulang na news anchor na maranasan ang saya ng pagiging isang ina. Magkahalong emosyon ang kaniyang naramdaman ng mahawakan ang mga sanggol at batid niyang hindi magiging madali ang mga pagdadaanan niya bilang ina. Mabuti nalang at maraming mga tao ang tumutulong sa kaniya sa pag-aalaga sa mga sanggol at isa na nga dito ang mga kasambahay na napamahal na rin sa kaniya.






Ngunit kamakailan lang ay naging usap-usapan ang news anchor sa social media matapos nitong mag-post sa kaniyang Instagram account. Ayon sa nasabing post, napagsabihan ni Korina ang kasambahay na si Manang Nora matapos may gawin sa damit ng kambal na sina Pepe at Pilar.

Ano kayang ginawa ni Manang Nora at napuna ito ni Korina?

” Sabi ko kay Manang Nora, Alam kong mahal niya ang kambal. Pero hindi na talaga kelangan plantsahin lahat ng suot at kumot nila. Sayang lang pagod at kuryente. Konting stretch lang at tupi ay ok na.”, caption ni Korina sa kaniyang Instagram post kung saan ipinapakita niya ang mga nakaligpit na damit ng kambal.






Ginawa ito ni Korina hindi upang ipahiya si Manang Nora kundi upang ipakita sa kaniyang mga followers kung gaano ito kasipag magtrabaho para maalagaan ang kambal.

Napakaraming ina naman ang nagkomento sa nasabing post at ang ilan sa kanila ay nagsabing dapat naman talagang plantsahin ang mga damit at gamit ng sanggol kagaya na lamang ng punda ng unan at kumot dahil maaring may maliliit na insektong dumapo dito. Ang iba naman ay nagsabing hindi na sila gumagamit ng plansta sa damit ng kanilang mga sanggol at ipinapagpag lang nila ito ng mabuti bago tupiin.

Ikaw, sa tingin mo dapat bang plantsahin ang mga damit ng sanggol matapos itong labhan at matuyo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *