Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng kabiyak o asawa dahil alam mong sa bawat pagdadaanan mo sa buhay ay lagi kang may kasama at kahati, ito man ay sa hirap o ginhawa kagaya ng pangako niyo sa isa’t isa sa harapan ng altar. Nariyan kasi ang tinatawag nilang “after wedding adjustments” kung saan maraming pagsubok ang maari niyong pagdaanan bilang mag-asawa.
script async src=”//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js”>
Kamakailan lang ay isang mag-asawa ang naging usap-usapan online dahil sa kanilang kwentong “rags to riches”. Ayon sa nagbahagi ng kwento na si George Anas Jr. aminado siyang hindi naging madali ang naging buhay mag-asawa nila ng kabiyak na si Charmilyn. Minimum wage lang ang kinikita ni Chin samantalang si George naman ay nahihirapang makahanap ng trabaho kaya naman natuto silang magtipid sa pagkain upang mapagkasya ang budget para sa iba pang gastusin kagaya ng pagbabayad ng upa ng bahay gayun na din ng tubig at kuryente. Naalala pa nga daw niya na madalas ay noodles nalang ang kinakain niya samantalang budget pack na corned beef naman ang kinakain ni Chin sa trabaho.

” She used to depend on a corned beef value pack worth Php 7.00 as an employee earning minimum wage while I depended on pancit canton as an unemployed to survive the week.”, pagbabahagi ni George sa kaniyang Facebook account.

Gayunpaman, hindi bumitaw sa isa’t isa ang mag-asawa at magkasama nilang hinirap ang problema at nagtulungan para makahanap ng solusyon. Nasubukan pa nga daw ni George na magtinda ng kung anu-ano para makatulong sa kaniyang asawang si Chin.

“I sold siomai, pizza roll, hotdog bun etc. for a living while finding a decent job. People were laughing we didn’t really care.”, dagdag pa ni George.

Sa kasalukuyan ay maganda na ang estado ng buhay ng mag-asawa at mayroon na silang sariling kompanya na itinatag noong 2015 at tinawag nilang Suretrust Group. Nakamit na rin nila ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay at sasakyan. Ayon pa kay George, ibinahagi niya ang kwentong ito sa social media hindi upang magyabang kundi upang maging inspirasyon sa ibang mag-asawa na nakakaranas rin ng pinansiyal na pagsubok. Nais niya ring ipaalala na walang pagsubok ang hindi kayang lagpasan basta dalawa kayong nagtutulungan.
Tunay ngang inspirasyon kayo sa nakararami George at Chin!