Tignan Kung Gaano Kaganda si Gloria Romero Noong Dalaga pa siya!

Gloria Galla ang totoong pangalan ng batikang aktres na si Gloria Romero at sa loob ng mahigit 60 taong pagtatrabaho bilang artista sa industriya ng show business ay wala pa ring kupas ang kaniyang ganda gayun na rin ang kaniyang galing sa pag-arte!




Ipinanganak siya noong December 16, 1993 sa Denver, Colorado U.S.A at ang kaniyang ina ay isang Amerikana na si Mary Borrego samantalang Pilipino naman ang ama na si Pedro Galla. Sa ibang bansa man ipinanganak ay lumaki at nag-aral sa Pilipinas ang batang Gloria. Nakatira noon ang kanilang pamilya sa Pangasinan kaya naman doon na siya nag-aral ng elementarya at nagtapos ng highschool. Bata pa lamang ay marami na ang nakakapansin sa angking ganda at karisma ni Gloria kaya naman hindi nakakapagtaka na marami ang nagsasabing pumasok siya sa mundo ng show business.




Labing-siyam na taong gulang pa lamang noon si Gloria nang unang sumabak sa pelikula bilang extra sa palabas na “Ang Bahay sa Lumang Gulod” sa ilalim ng Premiere Productions. Matapos nito ay lumipat siya sa Sampaguita Pictures kung saan nagtatrabaho ang kaniyang tiyuhin na si Nario Rosales, Chief Editor sa nasabing kumpanya. Dito nag-umpisa ang sunod-sunod na proyekto ni Gloria bilang artista at gumanap siya bilang anak ng mag-asawang sina Cesar Ramirez at Alicia Vergel sa palabas na Madame X noong taong 1952. Nitong taon din siya binigyan ng screen name na “Gloria Romero” at nabigyan ng kauna-unahang lead role sa palabas na Monghita.

 




Hindi matatawaran ang galing at dedikasyon ni Gloria sa trabaho kaya naman hindi nakaapagtaka na sa ikalawang taon niya sa industriya ay nakatanggap agad siya ng kauna-unahang award bilang Best Actress mula sa prestihiyosong Filipino Academy of Motion Arts and Sciences (FAMAS) noong 1954 sa pagganap niya sa peikulang Dalagang Ilocana. Sa loob nga mahigit 60 taon sa industriya ay halos hindi na mabilang ang mga paranggal na natanggap ng aktres at halos lahat ng role bilang artista ay kanya nang nasubukan. Tinagurian din siyang “Queen of All Philippine Movies” noong kapanahunan niya.

Patungkol naman sa buhay pag-ibig ay napangasawa ni Gloria Romero ang kapwa artista na si Juancho Guttierrez na sikat din noong kapanahunan nila. Ikinasal sila noong September. 24, 1960 sa Santuario de San Antonio in Forbes Park, Makati at tinawag itong “Wedding of the Year”. Nagkaroon sila ng isang anak na babae at pinangalanan nila itong Maritess. Hindi naging maganda ang pagsasama ng dalawa at nauwi ito sa hiwalayan ngunit muli pa ring tinanggap ni Gloria ang asawa ng bumalik ito sa kaniya at mayroon nang malalang kondisyon kung saan ito ay na-str0ke. Inalagaan niya ang asawa hanggang sa sumakabilang buhay ito noong taong 2015.




Marami ang humahanga kay Gloria Romero hindi lamang sa galing niya sa pag-arte kundi dahil na rin sa walang kupas niyang ganda at karisma. Kaya naman angkop na angkop sa kaniya ang isa sa mga binidahang palabas sa telebisyon na “Daig Kayo Ng Lola Ko”.