Dream Car ng Isang Ina, Isinurpresa ng Anak Matapos Niyang I-restore Ito ng Anim na Taon at Humigit Kumulang 1.5 Milyong Piso!

Bilang mga anak alam natin kung ano ang mga paghihirap na ginagawa ng ating mga magulang lalo na ng ating ina para mapalaki tayo ng maayos at mabigyan ng magandang kinabukasan. Kaya naman nararapat lang na suklian natin ito ng mga bagay na kaya nating ibigay sa kanila o di kaya naman ay panahon na makasama sila habang malalakas pa.
Isang anak nga na nagngangalang Donny Pinto ang nagsumikap na maibigay sa kaniyang ina ang dream car nito simula noong siya ay bata pa lamang.




Ayon sa report, Chevrolet Nova ang pangarap na sasakyan ng inang si Jeanie at nag-umpisa ang pagkagusto niya sa nasabing sasakyan simula noong masubukan niyang sumakay dito kasama ang kaibigan habang papauwi sila galling sa camping.

(Courtesy: YouTube/ T&T Creative Media)


Sa tulong ng kaniyang ama na si Tony ay pinagplanuhang maigi ni Donny kung papaano niya maibibigay sa ina ang isang Chevrolet Nova na sasakyan. Aminado siyang medyo may kahirapan ang kanilang ginagawa dahil kinailangan nila itong itago sa kaniyang ina. Maliban dito ay napagastos din sila ng sobra dahil kinailangan pa nilang ibyahe ang nasabing sasakyan simula sa South Carolina papunta sa San Diego kung saan nakatira ang kaniyang mga magulang.


(Courtesy: YouTube/ T&T Creative Media)

“We admit we overpaid and only used the body, fenders, windshield and the door – everything, and I mean everything else was garbage.”, pahayag ni Donny sa interview ng Daily Mail.

Customized din ang paggawa nila ng nasabing sasakyan kaya naman natagalan ang pagbuo dito na inabot ng halos anim na taon! Sa katunayan muntik ng mabuking ng ina ang nasabing sorpresa dahil may pagkakataon na tumatawag ang mga supplier nila ng materyales at sa halip na si Tony ang makasagot ay si Jeannie ang nakakusap ng mga ito. Sa kabutihang palad ay hindi ito naghinala at sinabi nalang sa kausap na hindi sila nagmamay-ari ng Chevrolet Nova na sasakyan.



(Courtesy: YouTube/ T&T Creative Media)

(Courtesy: YouTube/ T&T Creative Media)

Noon ngang November 6,2018 ay naisakatuparan na ni Doni ang kaniyang matagal ng sorpresa para sa ina sa tulong na rin ng kaniyang kaibigan na si Greg. Nagpadala siya ng maraming text message kay Jeanie na nagsasabing lumabas siya ng bahay dahil nandun ang kaniyang dream car. Medyo natagalan ang paglabas ng ina marahil dahil hindi ito naniniwala na magkakaroon pa siya ng pagkakataon na magmay-ari ng isang prestihiyosong sasakyan. Maya-maya pa ay lumabas na din ito at laking gulat nang makita ang pulang convertible na sasakyan.




(Courtesy: YouTube/ T&T Creative Media)

(Courtesy: YouTube/ T&T Creative Media)

Masayang sinubukan ni Jeanie ang kaniyang dream car ngunit hindi nito maiwasang maging emosyunal. Muli kasing nanariwa ang unang pagkakataon na nakasakay siya sa Chevrolet Nova ng kaniyang kaibigan kung saan masayang-masaya siya ngunit pag-uwi ng bahay ay madadatnan niyang pumanaw na pala ang kaniyang ama. Gayun pa man ay hindi nawala ang pagkagusto nito sa nasabing sasakyan at naikwento niya pa ito sa kaniyang anak na si Donny.