Aktres na si Judy Ann Santos, Hinangaan ng Publiko Matapos Makitang Naglilinis at Nagseserve sa Sariling Restaurant

Maliban sa pagiging abala sa kaliwa’t kanang taping sa industriya ng show business ay abala rin ang maraming atrista sa kani-kanilang sariling negosyo. Ito ay dahil na rin sa mainit na pagtanggap ng publiko at pagsuporta sa bawat bagong bukas na kainan o di kaya naman ay shopping center na pagmamay-ari ng kanilang mga idolo. Kamakailan lang ay ginulat ng isang batikang aktres ang ilang kumakain at nakapila sa restaurant nang makita siyang naglilinis ng mesa matapos kumain ang isang customer.




Ang nasabing artista ay wala iba kundi si Judy Santos at nakita siya ng ilang netizen na abala sa pag-aasikaso sa kaniyang bagong bukas na restaurant sa Taft Avenue noong Huwebes ng gabi, May 23.

Narito ang sunod-sunod na tweet ng isang netizen na nakilala bilang si @kelanocyte:

“We decided to spend our Happy T here at Angrydobo and Judy Ann is here and the queen is serving.”

“Guys, so, nagse-serve si Juday. Naglilinis po siya ng table.”


(COURTESY: Image Capture of Video by @kelanocyte via Twitter)

Talagang pinipilahan at binabalik-balikan ng mga tao ang nasabing restaurant hindi lang dahil sa masasarap na putahe mula sa sariling recipe ni Judy Ann kundi dahil may mga nakapagsabi rin na minsan ay dumadalaw doon ang aktres at siya mismo ang nagluluto para sa mga customer. Nasaktuhan nga ito ng netizen na si Kel kaya naman agad siyang nag tweet sa sobrang saya at habang nasa pila ay pinagmamasdan nila kung gaano ka hands-on si Judy Anne sa kaniyang negosyo at sa katunayan ay nag-igib pa di umano ito ng tubig.

(COURTESY: Image Capture of Video by @kelanocyte via Twitter)



“Favorite part of the night was Judy Ann screaming, “HUY NAKAABOT KAYO!!!” kasi we told her na ang haba ng pila baka di kami makakain. Eto yung tumakbo siya sa Army Navy para mag-igip ng tubig. Yes she did that,” dagdag pa ni Kel sa kaniyang Twitter post.

(COURTESY: Image Capture of Video by @kelanocyte via Twitter)

Pinangalanan ng mag-asawa na “Angrydobo” ang nasabing restaurant at may tagline itong “Made with Love.” Ayon kay Ryan, may kwento sa kabila nang nasabing pangalan at tagline ng kanilang restaurant. Nangyari ito noong sila ay magkasintahan pa lamang ni Judy Ann. Nagkaroon di umano sila ng hindi pagkakaunawaan at halos hindi nagpapansinan ngunit nagawa pa rin ng aktres na ipagluto siya ng paboritong ulam na adobo kaya naman nagkabati agad sila.



“True love is when you still serve your partner even when you’re angry” ,pagbabahagi ni Ryan sa kaniyang Instagram account.

(COURTESY: Image Capture of Video by @kelanocyte via Twitter)

Kung nais ninyong makita ang aktres at matikman ang kanyang adobo, narito po ang detalye sa kanyang restaurant.

“Angrydobo” Restaurant 2456 Taft Avenue, Manila (In front of De La Salle University).

Open Mondays to Sundays 10am – 10pm
.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *