Sinikap ng Single Mom na Ito na Magtinda ng Isda sa Palengke Para Matupad ang Pangarap ng Anak na Maging Doctor!

Karamihan sa mga magulang ay naghahangad na makapagtapos ang kanilang mga anak ng kolehiyo dahil naniniwala silang isa ito sa mga paraan upang makaahon sila sa kahirapan at magkaroon ng maayos na buhay. Kaya naman kahit na mahirap, suportado nila ang kanilang mga anak sa kung anumang kurso ang nais nilang kunin sa kolehiyo. Isang halimbawa dito ang ina na naging viral sa social media dahil kahit na single mom ay napagtapos niya sa medical school ang kaniyang anak.



Nakilala bilang si Aling Nanita Rongquillo ang nasabing ginang at sa kasalukuyan ay 55 taong gulang na ito. Siya na lamang ang mag-isang bumubuhay sa kaniyang anak at nagtitinda siya ng kung anu-ano upang matustusan ang pangangailangan nito. Ayon sa panayam sa kaniya ng GMA News TV, naghiwalay di umano sila ng kaniyang dating asawa dahil nagloko ito at ipinagpalit siya sa ibang babae. Mahirap man para kay Aling Nanita nang malaman niya na may asawa na ang kanyang asawa, unti unti naman niya itong tinanggap at sinabi sa sarili na hindi na dapat niya ito ikalungkot dahil mayroon pa siyang anak na aaralin.

(Courtesy: GMA PUBLIC AFFAIRS / YOUTUBE)

Madaling araw pa lamang ay naghahanda na siya papunta sa palengke para magtinda ng mga isda at umuuwi ng bandang alas-sais ng gabi kapag wala ng namimili o di kaya naman ay ubos na ang kaniyang mga paninda.



(Courtesy: GMA PUBLIC AFFAIRS / YOUTUBE)

May mga pagkakataon na kumikita siya ng 1000 pesos sa isang araw ngunit minsan naman ay kulang pa ang kaniyang kinikita para sa gastusin sa bahay. Gayunpaman ay hindi sumuko si Aling Nanita dahil pursigido siyang mapagtapos sa kolehiyo ang kaniyang anak na si John Nico Ronquillo.

(Courtesy: GMA PUBLIC AFFAIRS / YOUTUBE)

Pangarap ng bata na maging isang doctor at dahil sa walang sawang pagsuporta sa kaniya ng kaniyang ina ay nakapasok siya sa medical school.Pinagbuti ni John ang kaniyang pag-aaral at ipakita sa kaniyang ina na mayroong bunga ang mga paghihirap nito sa araw-araw na pagtitinda sa palengke.


(Courtesy: GMA PUBLIC AFFAIRS / YOUTUBE)

Hindi nga nagtagal ay nakapagtapos ng pag-aaral si John at ngayon ay isa nang doctor kaya naman abot-langit ang saya ni Aling Nanita at sa wakas ay natupad na ang matagal nilang dasal.

(Courtesy: GMA PUBLIC AFFAIRS / YOUTUBE)

(Courtesy: GMA PUBLIC AFFAIRS / YOUTUBE)





Tunay ngang wagas ang pagmamahal ng isang na kahit nasasaktan at nahihirapan ay mas pinipili pa rin nilang lumaban para sa kapakanan ng kanilang mga anak. Saludo kami sa inyo Aling Nanita at sa lahat ng ina at mga magulang na walang sawang ipinapadama sa kanilang mga anak kung gaano nila ito kamahal.