Super Rich na Prinsipe ng Brunei, May Isang Babae na Nakaagaw ng Kaniyang Atensiyon sa Instagram!

Salamat sa teknolohiya at nabibigyan tayo ng pagkakataon na magkaroon ng mga bagong kaibigan kahit na mula pa ang mga ito sa malalayong lugar o sa ibang bansa. Ito ay nagiging posible dahil na rin sa iba’t ibang kapamaraanan at ang pinakasikat sa mga ito ay sa pamagitan ng mga social media platforms kagaya na lamang ng Instagram kung saan nagbabahagi ng kanilang buhay at pagkatao ang mga netizen sa pamamagitan ng magagandang mga larawan.




Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang babae na naka-agaw ng atensiyon ng prinsipe ng bansang Brunei na si Prinsipe Mateen. Kilalanin ang nasabing babae ngunit una sa lahat, alamin muna natin kung sino ba talaga si Prinsipe Mateen?

Ipinanganak siya noong August 10,1991 at isa siya sa mga anak ng Kagalang-galang na si Sultan Hassanal Bolkiah sa pangalawa nitong asawa na si Puan Hajah Maryam. Bilang anak ng pinakamakapangyarihan na tao sa kanilang bansa, nanatiling normal ang buhay ni Prinsipe Mateen at nagagawa niya ang mga pangkaraniwang gawain ng mga binata kagaya ng pamamasyal.

Sa katunayan ay mayroon siyang personal na eroplano at siya mismo ang nagmamaneho nito matapos makakuha ng lisensiya bilang isang piloto. Maliban dito ay nakapagtapos din siya ng Master’s Degree sa International Studies and Diplomacy mula sa The School of Oriental and African Studies, University of London.



Samantala, nakilala ang babae na di umano ay pinagkakainteresan ng prinsipe bilang si Urassaya Sperbund, isang kilalang aktres sa Thailand na mas kilala sa tawag na Yaya.




(Courtesy: instagram.com/urassayas)

(Courtesy: instagram.com/urassayas)

Sino nga ba naman ang hindi mabibighani sa simpleng ganda nito na mas lalo pang naging kaakit-akit nang gumanap siya bilang Princess Alice sa palabas na “Crown Princess”. Kapareha niya dito ang kapwa aktor at kasintahan sa totoong buhay na si Nadech Kugimiya, na gumanap bilang si Lieutenant Commander Dawin. Madalas magkasama ang dalawa sa mga pelikula at maging sa likod ng camera ay kitang-kita kung gaano sila nagmamahalan. Kaya naman hindi maiwasan ng mga netizen na malungkot lalo na at karamihan sa kanila ay pabor na magkatuluyan si Prinsipe Mateen at si Yaya.



(Courtesy: instagram.com/urassayas)

Ang ilan naman ay nagsabing dapat alagaang mabuti ni Nadech si Yaya upang hindi ito mahulog sa halos perpektong lalaki kagaya ng prinsipe.