16 Year Old na Pinoy Student, Nadiskubre ang Gamit ng Aratiles Upang Makatulong sa mga may Dyabetis!

Kilala ang mga Pinoy hindi lamang sa sipag at kabaitan kundi dahil na rin sa talino at talento na kayang makipagsabayan sa mga nangungunang bansa sa buong mundo. Ilang beses na rin itong napatunayan sa iba’t ibang pamamaraan kagaya na lamang sa sports partikular na sa Boksing kung saan kilala ang Pilipinas dahil kay Manny Pacquiao o di kaya naman ay sa larangan ng pag-awit kung saan kinilala ang talento ng Pilipina na si Leah Salonga.

Kamakailan lang ay naging karangalan na naman ng bansa ang isang estudyanteng babae matapos niyang madiskubre ang gamit ng Aratiles upang makatulong sa mga taong may Dyabetis.

(Courtesy: facebook.com/zsash.layson)





Nakilala ang estudyante bilang si Maria Isabel Layson, labing-anim na taong gulang at kabilang siya sa Special Science Class ng Iloilo National High School. Ayon sa interview ng RMN sa dalaga, naisipan di umano nitong gumawa ng pag-aaral kung papaano malulunasan ang sak!t na Diabet3s dahil isa ito sa mga pangunahing dahilan ng pagpanaw ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi gayun na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo.

(Courtesy: facebook.com/zsash.layson)





Ang nasabing pag-aaral ni Isabel ay mayroong pamagat na “Bioactive Component, Antioxidant Activity and Antidiabetic Properties of Muntigia calubra Linn. An In Vitro Study.” Isinaad niya dito ang mga dahilan kung papaano makakatulong ang Aratiles sa paggamot kondisyon na dyabetis. Mababasa rin dito ang ilang paliwanag na nagpapatunay na hindi lamang bunga ng nasabing puno ang maaring gamitin sa panggagamot kundi pati na rin ang ugat, dahon,balat, bulaklak at iba pang parte nito.

(Courtesy: facebook.com/zsash.layson)

Ayon pa kay Isabel, ang Artiles ay mayroong sapat na antioxidants na siyang mabisang panlaban sa kondisyon.


(Courtesy: facebook.com/zsash.layson)

Ang pag-aaral na ito ng dalaga ay kinilala at nanalo sa katatapos lang na 2019 National Science and Technology Fair at siyang naging daan upang mapabilang siya sa mga pambato ng Pilipina sa pinakamalaking Pre-College Science Research Competition na tinatawag na 2019 Intel International Science and Engineering Fair o ISEF na gaganapin sa Phoenix, Arizona, USA.

Masayang nagbubunyi ang pamilya ni Isabel dahil sa kaniyang tagumpay at maging karamihan sa mga netizens ay buo ang suporta sa estudyante.




Saludo kami sayo Isabel at sana ay patuloy kang maging magandang halimbawa iyong kapwa kabataan.Congratulations!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *