Ito ang Kakaibang Surpresang Regalo ni Dra. Vicki Belo kay Hayden Kho!

Isa sa mga kilalang personalidad sa ating lipunan ang mag-asawang Hayden Kho at Vicki Belo. Naging laman sila ng usap-usapan dahil sa ilang mga kontrobersiya ngunit sa kabila nito ay hindi sila pinanghinaan ng loob kundi mas lalo pang naging matibay ang kanilang relasyon at pagmamahal sa isa’t-isa. Naging daan din ang magandang pagsasama nilang mag-asawa upang mabiyayaan sila ng isang napakagandang anghel na pinangalanan nilan Scarlet Snow. Masaya ang pamilya nina Hayden at Vicki at halos wala na nga silang mahihiling pa. Suportado rin nila ang propesyon at hilig ng isa’t isa kaya naman mas lalong lumalago ang relasyon nila bilang mag-asawa.

Habang ipinagpapatuloy ni Vicki Belo ang propesyon bilang doctor, si Hayden naman ay sinubukan ang pagkahilig nito sa photography. Sa katunayan ay nagpaturo di umano siya sa ilang batikang photographer at pinasalamatan ang ang mga ito sa kaniyang Instagram account.



(COURTESY: instagram.com/dochayden)

“…To award-winning photographer and architechture board topnotcher @marchenrichgo and National Geographic visualstoryteller @hannahreyesmorales – big thanks for mentoring, ” pagbabahagi ni Hayden.



Dahil dito ay naisipan ni Dra. Vicki Belo na isorpresa ang kaniyang asawa sa kaarawan nito ngayong taon kaya naman ginawan niya ito ng photo exhibit museum kung saan makikita ang lahat ng mga magagandang larawan na si Hayden mismo ang kumuha.

(COURTESY: instagram.com/dochayden)

Tinawag ang nasabing exhibit na “A New Frame” at may tagline itong “the beginnings of [his] work as a photographer, as he explores life, fatherhood, and devotion.”


(COURTESY: instagram.com/dochayden)
(COURTESY: instagram.com/dochayden)
(COURTESY: instagram.com/dochayden)

Ang sorpresang ito ay naging matagumpay dahil na rin sa tulong ng ilan nilang mga kaibigan na binanggit at pinasalamatan rin ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram accounts.

Masayang-masaya si Hayden sa sorpresa ng asawa dahil sa pagpapakita nito ng suporta sa bago niyang nakakahiligang gawin at dahil ramdam na ramdam din niya kung gaano siya kamahal at itinuturing na espesyal ng asawang si Vicki Belo.

(COURTESY: instagram.com/dochayden)
(COURTESY: instagram.com/dochayden)

“You know your wife loves you when she makes a secret dream come true and invites all your best friends to celebrate it with you. I love photography and I’ve been secretly collecting photos over the years.”, dagdag pa ni Hayden.




Ilan sa mga laman ng nasabing photo exhibit ay mga larawan ni Vicki at Scarlet at ayon kay Hayden, ang mga larawang ito ay makikita rin sa iba’t-ibang SM supermalls!

Tunay ngang ang pag-abot sa isang pangarap ay mas lalong nagiging matamis at masaya kapag kasama mo ang iyong asawa at pamilya na todo ang suporta.