Maraming Humanga kay Alden Richards sa Kanyang Simpleng Pagtulong sa Isang Matanda sa Japan!

Marami ang humahanga at talaga namang sumusubaybay sa buhay ni Alden Richards simula noong maging sikat siya sa mundo ng show business. Mas lalong umugong ang kaniyang pangalan nang pagtambalin sila ng dating YouTube sensation at ngayo’y artista na si Maine Mendoza. Tinawag na “Aldub” ang kanilang love team at tinagurian rin siyang “Pambansang Bae”. Dahil dito ay naging sunod-sunod ang kaniyang mga proyekto at naging abala sa pagtatrabaho at sa kaniyang mga naipundar na negosyo. Kaya naman talagang naglalaan siya ng panahon para gantimpalaan ang sarili sa pamamamagitan ng mga bagay na gusto niya o di kaya naman ay mamasyal sa iba’t-ibang bansa. Hindi rin siya nakakalimot na tumulong sa mga taong nangangailangan dahil alam niyang may kapalit itong biyaya mula sa Maylikha.




(COURTESY: instagram.com/aldenrichards02)

Ngunit kamakailan lang ay naging laman siya ng usap-usapan sa social media matapos niyang magbahagi ng isang larawan kung saan makikitang bumibili siya ng Handmade whistle sa isang matandang lalaking Japanese noong siya ay nasa Japan. Nangyari ito noong nakaraang buwan ng Disyembre taong 2018 habang namamasyal siya sa nasabing bansa kasama ang kaniyang pamilya.

(COURTESY: instagram.com/aldenrichards02)


“I bought a handmade whistle from this old man I met in Nikko, Japan. He needed the money to pay for his rent. A little act of kindness goes a long way so let’s pay it forward and take care of each other. #throwbackthursday.”, caption ni Alden sa nasabing larawan.




(COURTESY: instagram.com/aldenrichards02)

(COURTESY: instagram.com/aldenrichards02)

Maraming netizen ang natuwa sa nakita nilang larawan at sinabing magandang halimbawa ito para. Nagsilbi din umano itong paalala na ang pagtulong sa kapwa ay hindi kinakailangang magarbo at maaari mo itong magawa sa simpleng paraan na kaya mo.

(COURTESY: instagram.com/aldenrichards02)



Nunit hindi naman maiiwasan na may mga netizen na nagsasabing pakitang-gilas lang ng aktor ang nasabing larawan para mas lalo siyang sumikat at makilala ng mga tao. Gayun pa man ay hindi naman pinatulan ng aktor ang mga negatibong komento.

(COURTESY: instagram.com/aldenrichards02)




Samantala, marami ang sumusuporta sa aktor dahil isa siya sa mga kilalang down-to-earth at humble na artista sa mundo ng showbiz industry kaya hindi ikaka-ila na may mabuti din itong puso na tumulong sa iba.