Nagbigay ng 25,000 Pesos si Vice Ganda Para Makapag-Outing ang Barkadang Ito!

Halos lahat ng tao mapa-bata man o matanda ay kilala ang sikat na komedyanteng si Vice Ganda. Madalas kasi siyang napapanood sa noontime show na “Showtime ” at bumibida din sa sarili niyang show tuwing linggo ng gabi -ang “Gandang Gabi Vice.” Marami ang natutuwa sa ugali ng nasabing komedyante dahil maliban sa pagbibigay ng saya sa mga tao sa pamamagitan ng pagpapatawa ay sadyang matulungin at galante rin siya sa pagbibigay sa mga taong nangangailangan.



Lumaki si Vice sa Tondo, isang lugar kung saan makikita mo kung gaano kahirap ang ating mga kababayan at aminado siyang pinagdaanan niya rin ang buhay ng pagiging isang mahirap. Isa ito sa mga dahilan kung bakit malambot ang puso niya sa madlang people na nangangailangan ng tulong. Kaya naman ngayon na may kaya na siya sa buhay at nakapagipon-ipon dahil sa magandang showbiz career, hindi niya alintana kung magkano ang inilalabas niyang pera para lamang mabigyan ng tugon ang pangangailangan ng kaniyang kapwa.

Sa katunayan, kamakailan lang ay ginulat niya ang manonood ng nasabing noontime show pati na rin ang mga nasa studio nang sagutin nito ang outing ng isang madlang people kasama ang mga barkada niya!



(COURTESY: ABS-CBN Entertainment)

Nangyari ang bagay na ito nang mapag-alaman ng komedyante at host na nagmamay-ari pala ng resort ang isang kalahok sa segment nila na “Tawag ng Tanghalan”. Nais ni Vice na matulungan ang lalaking contestant at mapasaya ang madlang people kaya naman gumawa siya ng paraan para matulungan sila ng sabay.

(COURTESY: ABS-CBN Entertainment)



(COURTESY: ABS-CBN Entertainment)

Tumataginting na 25,000 pesos ang ibibigay ni Vice para maging budget sa nasabing outing at kasama na dito lahat ng kailangan ng magbabarkada ito man ay sasakyan, pagkain at hotel accommodation. Dahil dito ay napapalakpak at napatalon ang madalang people sa sobrang saya samantalang todo hiyaw naman ang mga barkada niya sa studio.

(COURTESY: ABS-CBN Entertainment)





Naging viral ang balitang ito sa social media at pinuri ng mga netizen ang komedyante dahil sa kaniyang kabutihang loob. Matatandaan ding hindi lang ito ang unang pagkakataon na tumulong si Vice sa pinansiyal na pangangailangan ng madlang people gamit ang sarili niyang pera. Sadyang matulungin talaga siya!

Ikaw, ano ang gagawin mo sa 25,000 pesos sakaling ibigay ito sayo ni Vice Ganda?