Nagkaroon ng Alagang Bibe ang Netizen na Ito Matapos Iuwi ang Balut sa Isang Restaurant at Naging Pet na Niya Ito Simula Noon!

Karamihan sa atin ay talaga namang natutuwa na magkaroon ng alagang hayop at ang ilan pa nga ay naglalaan ng pera para mabili ang gusto nilang uri ng alaga kagaya na lamang ng aso, pusa, ibon o di kaya naman ay isda. Ngunit kakaiba ang isang babae na taga-Malaysia dahil nagkaroon siya ng alagang bibe matapos iuwi ang nabiling itlog na “balut” sa halip na kainin ito.




(COURTESY: instagram.com/daily_daisy_duck)

Nakilala ang babae bilang si Erica Linn at nakatira siya sa syudad ng Kuala, Lumpur sa Malaysia. Sa kasalukuyan ay 39 taong gulang na siya at nagtatrabaho bilang Insurance agent. Nakita niya di umano ang itlog ng “balut” sa isang Vietnamese restaurant na makikita sa Puchong, Malaysia. Nagbebenta ang nasabing restaurant ng mga pagkaing Pinoy at nakatawag ng kaniyang pansin ang “balut” na kakaiba sa lahat ng paninda kaya naman walang anu-ano’y napabili siya nito kahit wala siyang balak kainin ito.

(COURTESY: instagram.com/daily_daisy_duck)

Inuwi nga ni Erica ang nasabing itlog at sabik itong malaman kung ano ang nasa loob nito kaya naman gumawa siya ng sariling incubator gamit ang mga materyales na styrofoam at heatlamps.

(COURTESY: instagram.com/daily_daisy_duck)

Matiyagang siyang nag-antay at makakalipas ang dalawang linggo ay nag-hatch na ang “balut” at nabigyan ng buhay ang sisiw sa loob nito. Hindi maipaliwanang ni Erica ang saya na kaniyang naramdam nang una niyang masilayan ang mukha ng sisiw.

“Watching her emerge from the egg, I fell in love with her immediately. And that was how I became a ‘mother’ on Father’s Day in 2017”,pahayag ni Erica.

(COURTESY: instagram.com/daily_daisy_duck)




Hindi nagtagal ay mabilis na nagkaroon ng malalagong pakpak ang alaga at ang dating maliit na sisiw ngayon ay isa ng kulay puti na bibe. Daisy ang ibinigay na pangalan ni Erica sa alaga ngunit madalas niya itong tinatawag na “Bitbit”. Kasa-kasama rin niya ito sa halos lahat ng oras at kahit nanonood ng telebisyon ay tahimik itong tumatabi sa kaniya. Sikat na rin ang alaga sa kaniyang Instagram dahil ibinabahagi niya ang ilang larawan at mga video nito.

(COURTESY: instagram.com/daily_daisy_duck)

“Bitbit loves watching movies and we often enjoy movie marathons together. She is a city duck, so she knows how to enjoy city life, just like any other ordinary city folk.”dagdag pa ni Erica.

(COURTESY: instagram.com/daily_daisy_duck)

Walang duda na masayang-masaya si Erica sa ginawa niyang desisyon na buhayin ang sisiw sa “balut” at ngayon ay tinutulungan niya na rin ang ibang mga kaibigan na nagnanais mag-alaga ng bibe!