Napakagaling na Estudyante Nakakuha ng Kabuuang Grado na 99.9 % sa College Entrance Exam!

Napakahirap nga naman na makapasa sa board exam pati na ang mga entrance exam sa mga eskwelahan sa Pilipinas. Isang malaking ginhawa sa estudyante ang makapasa at makapasok sa minimithing kolehiyo na kanilang papasukan pagkatapos ng highschool. Ang hirap nga naman makapasa lalo na ang makakuha ng almost perfect score sa exam. Subalit mamamangha ka nalang sa batang ito na nakakuha ng 99.9 % sa kanyang Entrance Exam



Siya ay si Alpha Kassandra Leonille A. Acain at siya lang naman ang top one sa katatapos lang na Cagayan State University – College Assessment Test o mas kilala sa tawag na CSU-CAT. Sa bawat subject ay kapansin-pansin ang talino ng dalaga dahil hindi bumaba sa 99 percent ang kaniyang nakukuhang marka kaya naman hindi nakakapagtaka na makakuha siya ng kabuuang grado na 99.9.

Maraming tao ang namangha sa galing at sipag ng bata sa pag-aaral ngunit para sa mga nakakakilala kay Kassandra alam nilang kayang-kaya niya itong gawin dahil hindi lamang ito unang pagkakataon na ipinamalas niya ang kaniyang galing at talino.

Sa katunayan, marami na rin siyang nakuhang award noong highschool at napabilang pa sa grupo ng mga senior highschool na naging representative ng bansang Pilipinas sa Intel International Science and Engineering Fair 2019 na ginanap sa Phoenix, Arizona, USA. Ang kanilang naging pambato na research ay tinawag nilang “ Automated Temperature and Humidity Monitoring System for Quality Control, Drying and storing of Rice Varieties.” Marami ang humanga sa nasabing research ng mga estudyante dahil hindi lamang mga magsasaka ang maaring makinabang dito kundi lahat ng tao dahil rice ang pinakaunang bilihin sa bansa.

Dahil sa pag-aaral na ito, ginawaran sila ng Gokongwei Brothers Foundation ng paranggal na “Young Scientist Award” bilang pagkilala sa natatangi nilang talento pagdating sa larangan ng teknolohiya at agham.




Hindi nalalayong maging isa rin ang estudyanteng ito sa topnotcher ng kanilang batch sa future kung sakali ito man ay kumuha ng board exam sa Pilipinas. Maaari rin maraming kumuha sakanya sa iba’t ibang programa upang mas matulungan ma-enhance ang kanyang skill sa field na kanyang inaasam.

Tunay ngang ang pagiging masipag at pursigido sa pag-aaral ay nagbubunga ng magagandang bagay na hindi lamang sa pansariling kapakanan kundi pati na rin sa ikalalago ng ating lipunan.