Proud Kasambahay Noon, Nakapagtapos ng Magna Cum Laude Ngayon sa Edad na 30!

Kaliwa’t kanan ang mga nababalitaan nating totoong kwento ng mga mag-aaral na talaga namang nakakaantig ng puso dahil sa kabila ng mga kahirapan at pagmamaliit na kanilang pinangdadanan ay patuloy silang nagpupursigi at lumalaban sa buhay upang balang araw ay makamit ang pinakaaasam na pangarap. Isa sa mga ito ang babaeng nag-viral sa social media na si Grace Labradoe Bacus, dating kasambahay na ngayon ay isa ng Magna Cum Laude!

(COURTESY: www.facebook.com/gracey.bacus)





Nagmula si Grace sa isang payak na pamilya at habang lumalaki ay nakita niyang hindi siya kayang mapag-aral ng kaniyang mga magulang ng kolehiyo dahil siyam silang magkakapatid at sapat lang ang kinikita ng kaniyang ama para sa pangkain nilang mag-anak. Pangatlo siya sa magkakapatid at matapos ang highschool ay namasukan agad siya bilang katulong sa pag-asang makaipon ng pera para sa kolehiyo at upang matulungan na rin ang kaniyang mga kapatid sa pag-aaral. Makalipas nga ang sampung taon ay nagbunga ang pagtatrabaho ni Grace at nakapag-enroll siya sa kolehiyo sa edad na 26 taong gulang. Kumuha siya ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English sa Talisay City College.

(COURTESY: www.facebook.com/gracey.bacus)

Hindi naging madali ang pag-aaral niya sa kolehiyo dahil kasabay nito ay kinakailangan niyang mag-alaga ng kaniyang maliliit na kapatid kung saan, salitan silang mga nakakatanda sa pagbabantay dahil ang kanilang mga magulang ay parehong naghahanapbuhay. Ito ang dahilan kung bakit madalas lumiban sa klase si Grace at kahit ipaliwanang sa niya ang sitwasyon sa kaniyang adviser at tila ba matigas ang puso nito at napagsabihan pa siya ng masasakt na salita.


(COURTESY: www.facebook.com/gracey.bacus)

(COURTESY: www.facebook.com/gracey.bacus)




“You’d better quit school because you don’t need a degree to take care of children,” sabi di umano ng kaniyang guro.

Ang mga salitang ito ay maaring makapanghina ng loob ni Grace ngunit hindi niya ito hinayaang mangyari sa halip ay ginamit niya ito bilang lakas at inspirasyon na balang araw ay makikita ng gurong ito na siya ay hindi talunan kundi isang mananagumpay.

(COURTESY: www.facebook.com/gracey.bacus)

(COURTESY: www.facebook.com/gracey.bacus)





“Yes, word for word, I could still hear you say that. It was engraved in my heart. That the person I expected to understand me was the same person who broke me into pieces for she was supposedly my ADVISER, my second parent, ” pahayag ni Grace sa kaniyang Facebook account kasama ang kaniyang larawan.

(COURTESY: www.facebook.com/gracey.bacus)

Dahil sa naranasan ito, ipinangako ni Grace na hinding-hindi niya ito gagawin sa kaniyang magiging mga estudyante at sisikaping unawain ang kanilang mga pinagdadaanang hirap sa para makapagtapos ng pag-aaral.

Saludo kami sayo Grace! Sana ay patuloy kang maging huwaran sa nakakararami at marami pang mga estudyante ang matuto sa pamamagitan mo.