Silipin ang Isa sa Pinaka Magandang Heritage House nina Fernando Poe Jr.

Kilala ng karamihan ang artistang si Fernando Poe Jr. bilang FPJ o di kaya naman ay “Da King” dahil itinuturing siyang Hari ng pelikulang Pilipino. Napangasawa niya ang kapwa artista na si Susan Roces noong Disyembre taong 1968 at inampon ang anak na si Grace Poe na pinalaki nila sa Amerika.



Noong pumanaw ang batikang aktor ay bumalik agad ito sa Pilipinas para damayan ang ina at para na rin maglingkod sa bayan bilang Senador.

Ang mag-asawang FPJ at Susan Roces ay mayroong bahay sa Quezon City na may modernong disenyo at ipinamana nila ito sa anak na si Grace Poe. Ang pamilya na ng Senador ang nkatira sa nasabing bahay kasama ang asawang si Neil at tatlo nilang anak na sina Brian, Hanna at Nika.



Malaki ang nasabing heritage house at kulay puti ang mga dingding nito. Tatlong palapag ang bahay at lahat ng kwarto ng mag-anak ay matatagpuan sa ikalawang palapag. Kapansin-pansin ring magkahalong moderno at tradisyunal ang disenyo ng loob ng bahay at pinapahalagahan nito ang sining at kultura ng lahing Pilipino.

(COURTESY: www.realliving.com.ph)
(COURTESY: www.realliving.com.ph)

Sa katunayan ay makikita sa sala ang “Sarimatok” painting na gawa ng National Artist na si Abdulmari Imao at naroon din ang painting ni Sandra Feller. Antigo rin ang karamihan sa mga gamit ng bahay sa kanilang kainan at kusina kung saan madalas magkaroon ng masayang kainan ang mag-anak kasama ang kanilang pamilya at kaibigan.

(COURTESY: www.realliving.com.ph)



(COURTESY: www.realliving.com.ph)

Maliban sa malaking sala ay mayroon ding isang maliit na sala sa loob ng bahay at dito makikita ang ilang larawan ng mga magulang ni Grace Poe simula noong sila ay mga bata pa lamang hanggang sa nag-asawa na ang mga ito. Mayroon ding swimming pool sa gilid ng bahay kung saan madalas makita ang mga bata na nag-ienjoy sa tubig.

(COURTESY: www.realliving.com.ph)

Nakahiligan rin ng Senador ang pagpipinta at makikita ang ilan sa kaniyang mga gawa sa dingding ng hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Magkahiwalay ng kwarto ng kaniyang anak na sina Hannah at Brian samantalang kasama naman ng mag-asawa ang bunsong anak sa kanilang family room.

(COURTESY: www.realliving.com.ph)




Si Grace Poe na sa kasalukuyan ang nagmamay-ari ng nasabing heritage house. Gayun pa man ay hindi niya inaalis ang ilang gamit ng kaniyang mga magulang partikukar na ng kaniyang ama na si Fernando Poe Jr bilang alaala na rin ng mga ito.