Anak man siya ng isang mahirap na magsasaka pero napamangha ni Romnick L. Bianco ang Pilipinas matapos niyang maipasa ang strict admission exams sa paaralang Harvard University. Sinong mag aakala na makakapag aral ang anak ng isang magsasaka sa Harvard?
Pang pito si Romnick sa siyam na magkakapatid. Ang kanyang ama ay isang magsasaka sa kanilang lugar sa Bulacan sa northern foothills ng Sierra Madre. Masalimuot at malungkot man ang buhay nila noon, hindi naging hadlang iyon para sumuko at makamit ang kanyang gusting kurso.

Sa halilp, pumapasok siya sa paaralan at sinisiguradong walang mamimintis na klase sa kabila ng mahaba habang lakaran makarating lamang sa paaralan na pinapasukan. Araw-araw, kasama na ang Sabado, nag lalakad si Romnick ng napakahabang milya at tumatawid sa isang tulay para lang makapasok sa eskwelahan. Lagi siyang pumapasok sa kanyang mga klase maliban nalang kung mataas ang tubig sa ilog kung saan delikado ang pag-tawid dito.

Taong 2011 ng matanggap ni Romnick ang pinaka malaking break niya sa GreenEarth Heritage Foundation, isang local charity foundation na kung saan tumutulong para mapabuti ang kabuhayan ng mga anak ng mga mahihirap na magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa English at Computer literacy classes. Binigyan din sila ng allowance bilang baon sa kanilang paglalakbay papunta sa paaralan.

Dahil sa kanyang mataas na grado at kasipagan, napansin ng foundation si Romnick. Nakita nila na may potential si Romnick para mangibabaw at mas mag-excel pa kaya naman binigyan ng Foundation si Romnick ng scholarship para makadalo sa International School Manila, ang pinaka matandang international high school sa bansa.
Katuad nga ng inaasahan ng foundation, naging maayos lahat para kay Romnick. Grumaduate sya noong 2017 na kung saan napabilib niya ang karamihan at natanggap pa siya sa ilang foreign schools. Dahil sa kanyang scholarships, hindi lang sa Harvard Unoversity kundi sa Darthmouth College, Wesleyan University, at New York Universit ang maaari niyang pasukan.
Hindi mo aakalain na ang anak ng isang mahirap na magsasaka noon ay makakapasok sa mga kilala at napakamahal na mga kolehiyo sa ibang bansa.
“I selected Harvard for all that it represents. Its reputation precedes itself. I love its motto, ‘Veritas: I will go where truth leads me,’” sabi ni Romnick.
Tunay ngang may magandang maidudulot ang sipag, tiyaga at determinasyon sa pag-aaral. Saludo kami sayo Romnick dahil sa iyong pagiging positibo sa pag-aaral!